Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-aaral ng Greenfield NHS-Arakan wagi sa PGO-DRRM Extemporaneous Speech Contest

AMAS, Kidapawan City (July 30) – Nasungkit ni Kezia Esther T. Abal ng Greenfield  High School ng Arakan, Cotabato ang First Place sa katatapos lamang na Disaster Risk Reduction and Management Extemporaneous Speech Contest ng Provincial Governor’s Office na isinagawa kahapon, July 29, 2015.

Tinalo ni Abal ang anim na iba pang high-school students na lumahok sa aktibidad na naglalayong palakasin pa ang disaster awareness at preparedness sa hanay ng mga mag-aaral at kabataan.

Sa kanyang sagot sa tanong na ano ang kanyang maitutulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng disaster preparedness, sinabi ni Abal na bilang isang mag-aaral, hangad niya ang kaunlaran para sa bayan at gagawin niya kanyang papel bilang estudyante upang makatulong.

Dagdag ni Abal, malaki ang papel ng mga mag-aaral upang ang kanilang mga paaralan at komunidad ay makaiwas sa malaking pinsala ng kalamidad at magagawa nila ito sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipagtulungan sa pamahalaan partikular sa mga concerned agencies tulad ng NDRRMC at iba pa.

Tumanggap si Abal ng P2,000 at Certificate of Participation mula sa Provincial Government of Cotabato.

Ang iba pang nagwagi ay kinabibilangan nina Jake Anthony Mosquera, 2nd Place (P1,500); Randalf Empal, 3rd Place (P1,000) at tig P500 bilang consolation prizes naman ang mga kalahok na sina Nico John D.Bautista (Kabacan NHS); Ian Juntarciego (Pres.Roxas NHS); Rhoanne Shyey A. Oregila (Magpet NHS) at Ali Tukuran (Midsayap Dilangalen NHS).
Kabilang sa mga Board of Judges sina PGO-DRRMD Operations and Warning Chief Designate Arnulfo A. Villaruz, DILG Cot Local Government Operation Officer II Helen Grace de Justo-Sayon at Dep Ed Cot Schools Division Administrative Officer V Virgilio A. Ungab bilang Chairman.

Ayon kay PGO-DRRM Designated Officer Cynthia M. Ortega, ang naturang contest ay bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Consciousness Month ngayong Hulyo kung saan pinalalakas pa ng pamahalaan ang paghahanda ng bawat sektor sa pagtama ng mga kalamidad.


Malawak naman ang suporta ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa aktibidad at hinikayat ang lahat ng sektor na makipagtulungan sa disaster preparedness advocacy ng pamahalaan. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento