Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

68th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan, kaabang-abang – Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Puspusan na ngayon ang paghahanda ng LGU ng bayan ng Kabacan hinggil sa paparating na ika-68 taong pagkakatatag ng bayan.

Ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa panayam ng DXVL News Team, kanyang inihayag na kaabang-abang umano ang selebrasyon ngayong taon.

Anya, tampok umano sa nasabing aktibidad ang pagdating ng ilang mga artista na sina Jessica Parkwer, Jordan Herrera at Aaron Villaflor.

Aabangan din umano ng mga kabataan sa anibersaryo ang pagdating ng bandang “CUESHE”.

Marami rin umano nakahilerang aktibidad na gagawin sa nasabing selebrasyon kaya na laman ng Burn d Floor (Hiphop Dance Competition) Motocross Competition, Teacher’s Day, Barangay Day at marami pang iba na siguradong ikalulugod ng mga manunuod.


Nakalatag narin umano ang mga security plans at security measures sa nasabing aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo hindi lamang ang mga Kabaceños kundi pati na rin ang mga karatig bayan na gustong makisaya at makiisa sa selebrasyon.

Nanawagan naman ang alkalde sa lahat ng mga security groups at personnel pati narin sa mga mamamayan na makipagtulungan sa mga otoridad upang mapanatili ang kaayusan sa kasagsagan ng aktibidad.


Nanawagan din ang opisyal sa mga Kabaceños at mga taga karatig bayan na makisaya sa  68th Founding Anniversarry ng bayan ng Kabacan na magsisimulan sa August 13 hanggang August18, 2015. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento