Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 7K na mag-aaral sa Kabacan, sumailalim sa National Deworming Day

(Kabacan, North cotabato/ July 30, 2015) ---Abot sa mahigit sa pitong libung mga mag-aaral sa bayan ng Kabacan ang sumailalim sa isinagawang National School Deworming Day kahapon.

Ayon kay Cotabato Division Nurse Joselito David Tabanay, RN layon ng nasabing programa na mababain kung di man tuluyang mapuksa ang mga bulate sa tiyan ng mga bata sa buong bansa.

Batay sa datos, abot sa 2,068 na mga pupils mula sa 3,552 na mga mag-aaral nito o katumbas ng 83.50% ang napurga matapos na mapainum ng deworming tablet ng Department of Health sa Kabacan North District na binubuo ng siyam na eskwelahan at pinangunahan ni District Supervisor Adela Neyra.


Nasa 75.02% naman ang nabigyan ng kaparehong pampapurga ang mga mag-aaral buhat sa Kabacan West na pinangunahan ng kanilang District Supervisor Efren Mantawil na may 16 na paaralang sakop.

Ayon sa tala ni Health Emergency Management Staff Honey Joy Cabellon abot na sa mahigit sa 7 libung mag-aaral ang napainum ng deworming tablet sa Kabacan.


Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Tabanay ng mga guro, clinic teachers, School Heads ng Kabacan North and South District at sa RHU Kabacan na pinangunahan ni HEMS Cabellon dahil sa matagumpay na aktibidad kahapon kaugnay sa National School Deworming Day. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento