(Kidapawan city/ July 31, 2015) ---Abot sa P2 Milyong
piso ang inilaang pondo ng Pamahalaang Lokal ng lungsod ng Kidapawan para sa
nalalapit na Timpupo Festival ngayong taon.
Ito ang inihayag ni City Mayor Joseph Evangelista sa
isinagawang pulong pambalitaan sa AJ Hi-time, Kidapawan City kaninang umaga.
Ayon sa alkalde, kanyang ibinalik ang nasabing festival
matapos ang ilang taon na hindi naipagdiriwang ito.
Layon nito na palakasin ang turismo ng lungsod at
makilala ang Kidapawan sa masasarap na mga prutas, bukod sa mabigyan ng pagkakakitaan
ang mga magsasaka ng prutas sa mga barangay.
Tiniyak din ng opisyal na mas mura ang prutas na
ibebenta sa booth ng timpupo kayaga ng Lanzones, Durian, Saging, Magosteen,
Rambutan at iba pa.
Magiging highlight din ng kapiestahan ang Bb. Kalikasan
kungsaan mga recyclable ang gagamitin na mga costume, dagdag pa ni Evangelista.
Magsisimula ang aktibidad sa Agosto a-19 hanggang sa
Agosto a-22. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento