(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Abot
sa isang libung mga kulambo ang ibabahagi sa ilang mga barangay sa bayan ng
Kabacan na sinasabing may mataas na kaso ng malaria.
Ito ang inihayag ni Sanitary Inspector Naga
Sarip ng Rural Health Unit ng Kabacan.
Kabilang sa mga barangay na mabibigyan ng
long lasting insecticide treated na mosquito nets ay ang Barangay Nangaan,
Simone, Simbuhay at Tamped.
Ayon kay Sarip na ang mga nabanggit na
barangay ay may mataas na kaso ng malaria.
Una na ring nabahaginan ng nasabing kulambo
ang barangay Pisan na abot sa 900 mga nets ang natanggap nila.
Tutungo naman ang team ni Sarip bukas sa
barangay Nangaan upang mamahagi ng 1,000 kulambo.
Ang nasabing programa ay bahagi ng
Department of Health o DOH Malaria Control Program na pinangungunahan ni RHU
Malaria Coordinator Naga Sarip at ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu
Jr. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento