Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Security Guard na sinibak sa trabaho, ibinunyag ang katiwalian sa kanyang dating employer na Security Agency

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2015) ---Matapos na maglabas ng sama ng loob sa DXVL News ang isang security guard ng Sugni Super Store Kabacan Branch sa pagkakatanggal nito sa trabaho.

Ibinunyag ni Rosalie Pareñas ang di magagandang gawain ng kanyang employer.

Una sa Security Agency na kanyang pinagtatrabahuan na halos sa kanilang mga kasamahan, kasama na siya ay walang lisensiya.

Bukod sa walang lisensiya karamihan sa kanila ay wala pang seminar o training. 

Kaugnay nito, panawagan din niya sa pamunuan ng Sugni Superstore na tugunan ang hindi patas na pagtanggal sa kanya sa trabaho.

Malaki ang paniniwala ni Pareñas na posibleng personal na dahilan ang pagkakatanggal nito sa trabaho.

Samantala, nanindigan si Pareñas na ang manager ng Sugni ang nagpadala ng mensahe sa agency sa Cotabato City para sibakin siya sa trabaho.

Inihayag din ni Pareñas na naakyat na sa Department of Labor and employment o DOLE ang reklamo nito at magkakaroon umano ng hearing ang security agency sa Agosto 3.
Samantala, pinasinungalingan din niya ang sinabi ng manager na pasaway umano siya na gwardiya ng Sugni at ang sinabi ng manager na on going ang pag process ng lisensya ng 2 gwardiya.

Samantala, una ng itinanggi ng pamunuan ng Sugni Super Store Kabacan Branch ang lahat ng alegasyon ni Rosalie Pareñas.

Ayon kay Lyndie Tantong ang Manager ng Sugni Superstore sa panayam ng DXVL News Team, puro kasinungalingan ang mga paratang ni Parreñas laban sa kanila.


Aniya, hindi umano ang pamunuan ng Sugni Super Store ang nagpatanggal sa kanya kundi mismong ang Agency ng nasabing security guard na nakabase sa Cotabato City. Rhoderick Beñez & Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento