(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2015) ---Itinanggi
ng pamunuan ng Sugni Super Store Kabacan Branch ang lahat ng alegasyon ni
Rosalie Pareñas, ang gwardiya ng nasabing establisyemento na umanoy tinanggal
sa trabaho dahil sa pagsumbong nito sa pulsiya na isa sa kanilang mga customer ay
may iniwang granada sa baggage counter.
Ayon kay Lyndie Tantong ang Manager ng Sugni
Superstore sa panayam ng DXVL News Team, puro kasinungalingan ang mga paratang
ni Parreñas laban sa kanila.
Aniya, hindi umano ang pamunuan ng Sugni
Super Store ang nagpatanggal sa kanya kundi mismong ang Agency ng nasabing
security guard na nakabase sa Cotabato City.
Hindi umano matanggap ni Pareñas kung bakit
agad siyang tinanggal sa trabaho gayung, ginagampanan lamang nito ang kanyang
trabaho.
Aniya, ikinagalit umano ng manager nila ang
pag-rereport nito sa Pulis kaugnay sa pagkakarekober ng granada sa bag ng isang
kustomer.
Inihayag ni Pareñas na ginagawa niya lang
naman umano ang kanyang trabaho bilang gwardiya para sa kaligtasan ng lahat ng
kustomer at ng mga tao sa naturang establisyemento at unfair umano sa panig
niya na siya pa ang sinisante sa trabaho.
Samantala, nilinaw naman ni Tantong na kliyente
lamang umano ang Sugni ng Security Agency na may hawak sa kanilang mga gwardiya
at wala silang karapatang magtanggal.
Hindi rin umano siya tinanggal ng Agency,
sinabi rin nito na pwede naman itong bumalik sa kayang trabaho bilang gwardiya
kung magkakaroon na ito ng lisensiya. Mark
Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento