Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka patay sa pananambang sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Patay ang isang magsasaka matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Malipayon, Brgy. Maybula, Tulunan North Cotabato pasado alas sais ng umaga kahapon.

Kinilala ni Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Regie Alinsugay, 32-anyos may asawa na residente rin nabanggit na lugar.

Ayon kay Dillera naglalakad lamang ang biktima papunta sa kanyang sinasakang lupa pero pagdating nito sa bahagi ng LOT # 159 bigla na lamang lumabas ang limang mga suspek at pinagababaril ang biktma gamit ang matataas na kalibre ng armas.


Sibukuan pang tumakbo ng biktima pero hinabol siya ng mga suspek at dito na binawian ng buhay.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Narekober naman sa crime scene ang 16 na mga empty shell ng M16 Armalite Riffle at dalawang basyo na mula sa isang garand riffle.

Ayon kay Dillera ilang mga magsasaka raw ang nakasaksi sa krimen na hinihikayat naman nitong magbigay ng formal affidavit para magamit na ebidensya laban sa mga suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad kung awayan sa lupa ang motibo sa krimen dahil nangyari umano ang insidente sa conflict area na matagal ng issue sa lugar.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento