Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating Business Development Assistant ng DXVL, pumanaw matapos atakehin sa puso

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2015) ---Sumakabilang buhay na ang dating Business Development Assistant ng DXVL KOOL FM matapos na inatake sa puso.

Agad na isinugod sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital, Poblacion, Kabacan, Cotabato ng kanyang mga pamilya si Philip Andrew Garcia o mas kilala sa tawag na ‘Cadz’ ngunit tuluyan na itong namatay bandang alas 3:05 ngayong hapon lamang.

Si Philip Andrew Garcia ay pumanaw sa edad na 39-anyos dahil sa kumplikadong sakit na kanyang dinaramdam.

Ayon kay dating USM Prof. Flora May Garcia, ina nito na nakaramdam umano ng paninikip ng dibdib si ‘Cadz’ dahilan para kanilang isugod sa bahay pagamutan.


Habang nasa Emergency Room ay kanyang bukang bibig si Budie ang kanyang nag-iisang anak, na hindi na daw ito maabutan ni Budie ng buhay, hanggang sa nalagutan na ito ng hininga.

Nakatakda sana itong dalhin bukas sa Davao city para sa kanyang regular na gamutan.

Para kay Mam Flora, isang mabait at maalagang anak si Cadz.

Naulila ni Cadz ang kanyang nag-iisang anak na si Budie at mga kapamilya nito at mga kaibigan.

Si Philip Andrew ay panganay na anak nina Mr. and Mrs. Garcia at ipinanganak noong Enero 26, 1976.

Nagsilbi rin ito ng ilang taon bilang Radio Jock sa KOOL FM naging screen name nito ang ‘Ice Man Johnny’ at humawak ng Sales and Marketing Department ng DXVL. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento