(Amas, Kidapawan City/ July 26, 2015) ---Pinabulaanan
ng Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP- North Cotabato ang report na
nanggaling umano sa kanilang Jail Facility ang illegal na droga na nakumpiska
mula sa isang suspected shabu pusher na nahuli
sa buy bust operation sa Kidapawan City noong huwebes.
Sinabi ni Jail Warden Jesus Singson,
mahigpit nilang ipanapatupad ang inspeksyon sa mga bisita dahilan para
imposible ang paglusot ng mga ilegal na droga sa loob ng pasilidad gayundin ang
pagbili mula sa kanila.
Ayon kay Singson, dahil nga sa kanilang
mahigpit na sistema sa loob kulungan ilang mga bisita na rin ang nahulihan ng
shabu.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin makumpirma
ni Singson kung sa loob mismo ng kanilang Jail Facility nakuha ng nahuling si
Rocky Pineda ang dalang shabu bago ito nahuli ng mga otoridad.
Tiniyak naman ng opisyal na oras na
mapatunayan na sa kanilang pasilidad nanggaling ang nasabing droga ay agad
nilang imbestigahan ang lahat ng mga preso at mga tao na bumibisita rito.
Una na kasing kumalat ang balita ang umano
negosyo sa ilegal na droga sa loob ng compound bagay naman na itinggi ng mga
BJMP Officials.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento