Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPA Namahagi ng Dekalidad na Cacao Seedlings para sa mga Magsasaka

(Amas, Kidapawan City/ July 27, 2015) ---Bilang bahagi ng High Value Crops Development Program ng lalawigan ng Cotabato, namahagi kamakailan ang Office of the Provincial Agriculturist ng 20,000 dekalidad na UF 18 cacao seedlings para sa 19 na farmer beneficiaries mula sa mga bayan ng Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan at Arakan.

Ito ay isinagawa matapos ang serye ng mga trainings on cacao production and management upang maging bihasa sa pagtatanim ng cacao ang mga magsasaka at upang lumawak pa ang lupaing natatamnan ng cacao sa lalawigan ng Cotabato, pahayag ni Romulo Pacres, ang Provincial Cacao Coordinator.

Layon ng pamamahagi ng cacao seedlings na mabigyan ng dekalidad na planting material ang mga magsasaka upang mapunan ang kakulangan sa supply ng cacao beans sa pamilihan sa pamamagitan ng maramihang cacao plantation establishment dito sa lalawigan ayon naman kay Provincial Agriculturist Eliseo M. Mangliwan.

Laking pasasalamat naman ng mga farmer beneficiaries na nakinabang sa programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan na bahagi ng Cacao Development Program ng OPA na mapagkalooban sila ng libre at dekalidad na cacao seedlings na may kaakibat na training on cacao production and management.

Suportado naman ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang ganitong inisyatiba ng OPA katunayan isa ito sa mga programang isinusulong ng kanyang administrasyon sa ilalim ng Serbisyong Totoo program upang tumaas pa ang produksiyon ng cacao sa lalawigan at magkaroon ng magandang kita ang mga magsasakang nagtatanim nito. RUEL L. VILLANUEVA


0 comments:

Mag-post ng isang Komento