(Kabacan, North Cotabato/ July 27, 2015) ---Arestado
ang dalawa katao makaraang mahulihan ng di lisensiyadong baril sa inilatag na
checkpoint sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 12:40
kahapon ng tanghali.
Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe
ng Matalam PNP ang mga suspek na sina Boracay Salido, 21-anyos, magsasaka at
residente ng Purok 7, Brgy. Kilada, Matalam at si Merna Mama Salido, 31-anyos
at residente rin ng nabanggit na lugar.
Narekober mula kay Boracay ang isang kalibre
.45 na pistol, 17 mga bala nito habang nakuha din sa kanayng tiyahin ang isang
Caliber 9MM pistol.
Nahuli ang dalawa matapos makatanggap ng
report mula sa Provincial Intelligence Branch ng Cotabato Police Provincial
Office ang Matalam PNP na may ipupuslit
na shabu buhat sa bayan ng Kabacan papuntang Matalam.
Dahil dito, agad na inalerto ang checkpoint
area sa may panulukan ng COSUSECO na nasa Poblacion Matalam na pinangunahan ni
PI Mautin Mangandigan ang Deputy Chief of Police ng Matalam PNP.
Naaresto nila ang dalawa katao na sakay ng
MIO Yamaha Scooter kulay dilaw na may temporary plate number na 120102 matapos
na may salikbit na armas ang mga ito.
Nang hanapan ng kaukulang dokumento, bigong
makapag-presinta ang mga ito.
Sa ngayon, kalaboso ang magtiyahin sa
Matalam PNP lock-up cell dahil sa pagdadala ng di lisensiyadong baril, ayon kay
SPO1 Froilan Gravidez. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento