Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Guzman, pinasalamatan ang bawat Kabakeños sa natamong parangal na iginawad ng NCC sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2015) ---Pinasalamatan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang bawat Kabakeños, partikular na ang mga punong barangay ng bayan ang Pamahalaang Lokal dahil sa tinamong karangalan ng Kabacan.

Ito ang inihayag ng alkalde sa panayam ng DXVL News matapos na hinirang ang bayan ng Kabacan na ika-apat na most competitive municipality in the Philippines.

Bukod dito, pampito naman ang Kabacan sa Most competitive Municipality in the Philippines in economic dynamism, pang-walo naman sa Most competitive Municipality in Infrastructure at nangunguna ang bayan ng Kabacan sa buong Mindanao sa mga bayan na most competitive municipality sa isla ng Mindanao.

Ang nasabing parangal ay iginawad ng National Competitive Council sa mga nangungunang bayan sa bansa sa taong 2015.

Ang survey ay isinagawa ng iba’t-ibang sector pribado at pampubliko na kinabibilangan ng DTI, DOT, DOE, Minda, Jollibee Food Corp., Ayala, Globe Telecom, ABS-CBN at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Guzman na malaki ang nag-pangat sa status o kalagayan ng bayan ng Kabacan dahil sa mga programa nitong transparency, pagbibigay ng basic services ng gobyerno lalo na sa health, peace and order, education at infrastructure.

Maging si Cotabato Gov. Lala Taliño Mendoza ay nagpaabot rin ng kanyang pagbati sa pamunuan ni Mayor Guzman matapos na malaman ang karangalan na natanggap ng Unlad Kabacan.

Dahil dito, sinabi ng alkalde na malaking hamon ngayon sa kanyang liderato ang natanggap na parangal kung papaanu ito mamintina.

Batay kasi sa datos noong 2013 ang ranking ng bayan ng Kabacan ay nasa 358 sa economic dynamism ay nasa ika-193 sa government efficiency nasa 287 habang sa infra naman nasa ika-300 ang rank ng bayan ng Kabacan.

Maliban dito itinanghal rin ang lungsod ng Kidapawan na ranked no. 2 sa Most Competitive Component City sa bansa sa ilalim ng Government Efficiency Pillar.

Habang rank no.14 Most Competitive COMPONENT CITY at ranked 6 sa Most Competitive CITY in GOVERNMENT EFFICIENCY sa buong Pilipinas, ranked 8 din sa Most Competitive City at ranked 3 sa Most Competitive COMPONENT CITY sa buong MINDANAO.

Di rin nagpahuli ang bayan ng MIDSAYAP sa pamumuno ni Mayor Romeo Arana kung saan, ibinida rin nito ang pagiging ranked 8 sa Most Competitive MUNICIPALITY at ranked 2 Most Competitive MUNICIPALITY in GOVERNMENT EFFICIENCY sa buong Pilipinas at 2nd Most Competitive MUNICIPALITY in MINDANAO. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento