Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Pulis at otoridad, bigong ma-rescue ang mga lumad sa Haran

(Davao City/ July 24, 2015) ---Matapos ang serye ng pulong at diyalogo na isinagawa kahapon sa pagitan ng mga support group ng lumad sa loob ng Haran ng UCCP compound na nasa likod ng Brokenshire sa Davao City, ay bigo pa ring na rescue ang mga ito sa loob ng haran.

Kahapon ng umaga ay nagkaroon ng tensiyon kungsaan pilit na binuksan ng mga dispersal pulis ang gate sa haran upang i-rescue sana ang mga lumad na nasa loob ng sinasabing Sanctuary ng mga lumad.

Nagkasakitan ng isagawa ang nasabing rescue kungsaan ilang mga pulis at mga support groups ang sugatan. 


Ayaw kasing palabasin ng mga support group na Karapatan, Kilusang Mayo Uno, Gabriela at ilan pang mga militante at progresibong grupo ang mga tribung lumad sa loob ng Haran sa kabila ng hindi magandang kalagayan ng mga ito hangga’t di pa ma-i-pull out ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Sa panayam ng DXVL News kay Joel Magsulod, dating Representative ng Anak Pawis Party list na ang dahilan ng pagsilikas ng mga tribu mula sa Kapalong, Talaingod, Bukidnon at Agusan ay ang pamamalagi ng militar kanilang lugar.

Dahil dito dumating sina Davao city Mayor Paulo ‘Polong’ Duterte at Congresswoman Nancy Catamco, sa isinagawang pag-uusap, pinapili ang mga lumad.

Binuksan ang gate, upang ang mga gustong lumabas ay malayang maka-uwi.
Pero umabot ng isang oras ni isa sa mga lumad walang lumabas dahil sa takot at banta rin sa kanilang seguridad.

Ayon kay congresswoman Nancy Catamco ng 2nd district ng North Cotabato ang chairperson ng Indigenous People sa kongreso na napagdesisyon nila sa isinagawang press conference sa tanggapan ng DSWD na, maari makapasok ang DSWD, DOH at ilan pang ahensiya ng gobyerno na magbibigay ng basic services sa mga ito.

Kaugnay nito, ideneklara naman ng grupong salagpungan na Persona Non-grata ang kongresista.

Sa kabila nito, hindi natitinag si Catamco at kanyang paiimbestigahan sa kongreso ang ulat na ginagamit ng ilang mga partylist representative ang mga lumad para sa kanilang personal na interest upang makahingi ng pondo mula sa ibang bansa.

Kanya ring paiimbestigahan sa pamamagitan ng legislative inquiry ang dahilan kung paanu napunta ang may 1,280 mga lumad sa loob ng Haran ng UCCP gayung karamihan sa mga ito ay galing pa ng Talaingod, Kapalong, Bukidnon at Agusan.

Itinanggi naman ni Magsulod na may nalikom na ayuda ang mga support group at ilang NGO dahil sa paggamit sa mga lumad.

Iginiit nito na ang kanilang pakay ay protektahan ang mga lumad dala ng militarisasyon sa kanilang lugar.

Sa ngayon, malayang makapasok sa compound ng UCCP-Haran ang mga ahensiya ng gobyerno kagaya ng DSWD at DOH upang makapagbigay tulong at serbisyo.


Ilan na kasi sa mga bakwit ay nagkasakit na. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento