(Kabacan, North Cotabato/ July 20,
2015) ---Nasungkit ng grupong Kool Off mula sa Kidapawan City ang panalo sa
Hatawan Hip-hop competition para sa mga batang nangangailangan na ginanap sa
USM gymnasium noong Sabado ala una ng hapon.
Nakakuha ng total score na 27.25
percent ang Kool Off dahilan upang masungkit nila ang panalo at nauwi ang 15
thousand pesos na premyo.
Nakuha naman ng grupong ND Crew mula
sa Makilala ang 2nd place sa total score na 27.15 at naiuwi ang premyong 10
thousand pesos, pangatlo ang Hip-hop Innovation Chi Crew mula sa Midsayap na
may total score na 24.5 at naiuwi ang 8
thousand pesos na panalo.
Nakakuha naman ng isang libong piso
na consolation prize ang ibang kalahok. Nasa pang apat na pwesto ang Dream Guys
Dance Crew mula sa Pigcawayan na may total score na 23.9 at pang limang pwesto
ang XDC-Xtreme Dance Crew mula sa Kabacan na nakakuha ng total score na 23.25.
Ang mga kalahok na pasok sa top 3 ay
nakatanggap din ng trophies at ang lahat ng kalahok ay nakatanggap ng
certificates mula sa DXVL Kool FM.
Sa halip na P10,000 ang tatanggapin
ng kapyon sa kompetisyon ay
tumataginting na P15,000 ang kanilang napanalunan dahil sa inisyatibo ni
Hon. Mayor Herlo Guzman Jr.
Ayon pa kay Mayor Guzman, ang
pagdagdag ng limang libong pesong premyo ay ang kanyang pagpapakita ng suporta
sa mga programa at aktibidad na naaayon sa kaniyang kampanya na ilayo ang
kabataan sa bisyo lalo na sa ipinagbabawal na droga.
Dagdag pa nito na suportado niya ang
nasabing aktibidad sapagkat ito ay nagpapakita ng kagalingan ng mga kabataang
siyang mamumuno sa mga susunod na henerasyon.
Ang “Hatawan para sa batang
nangaingailangan” a North Cotabato Wide Hip-hop Dance Competition for a Cause
ay isa sa mga highlights ng ika 9 na taong anibersaryo ng DXVL 94.9 Kool Fm, na
may temang “DXVL @ 9:Lakas ng bayan, kaagapay sa Serbisyo Publiko” .
Ang nalikom na pera mula sa
pinagbentahan ng mga tickets ay itutulong sa mga batang nangangailangan sa
Brgy. Tamped sa Bayan ng Kabacan.
Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing
aktibidad sina Mayor Herlo Guzman Jr., Poblacion Kapitan Mike Remulta,
councilor Reyman Saldivar, USM Vice President for Admin and Finance Dr. Lope
Dapon at Dating DXVL Station Manager Dr. Anita Tacardon. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento