Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Faculty Association President nagpaliwanag hinggil sa pagka- antala ng uniform ng mga USM faculty sa USM KCC campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2015) ---Nagpaliwanag ang USM Faculty Association President hinggil sa pagka antala ng uniform ng mga USM faculty sa USM KCC campus.

Sa panayam ng DXVL news kay USM Faculty Association President Prof. Ronald Pascual inihayag nitong hindi lang sa USM KCC ang naantala ang uniporme pati rin sa faculty ng USM campus sapagkat ang iba ay hindi rin nakapag pasukat ng uniporme noong Marso.

Aniya, hindi umano sinasadya na maantala ang pagbibigay ng uniporme. Dagdag pa niya na halos kalahati sa USM faculty ang di nakapagpasukat.

Inihayg din ni Prof.Pascual na ang bagong kulay ng faculty uniform na mga lalaki ay khaki, puti at berde na ipinatahi dito sa Kabacan samantalang sa mga babae naman ay kulay berde at blue at sa Davao City umano ipinagawa.

Ipinaliwanag din ni Prof. Pascual na every other year nagpapalit ng uniporme ang mga USM faculty. Dagdag pa niya na sa susunod na taon ay di na nila kukunin ang kanilang clothing allowance.


Dahil ditto, humihingi ngayon ng despensa ang pamunuan ng USMFA sa pagkakabalam ng kanilang uniporme. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento