(Matalam, North Cotabato/ July 25, 2015) ---Dead
on Arrival sa ospital ang isang 21-anyos na dalaga habang sugatan naman ang
tatlong iba pa makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway, partikular
sa harap ng Purok Krislam, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 9:00
kagabi.
Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe
ng Matalam PNP ang nasawi na si Krizamae Seneo, residente ng General Santos
City habang sugatan naman ang drayber ng motorsiklo na si Ryan Jay Servañez,
24-anyos, residente ng Banga sa lalawigan ng South Cotabato.
Bukod dito, sugatan din ang drayber ng Isuzu
Elf na si Nestor Pandayan, 53-anyos at residente ng Eman, Bansalan Davao del
Sur kasama ang helper nito na si Joseph Albaracin Alfafara, 38-anyos, residente
ng Agdao, Davao City.
Batay sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP, habang binabaybay ng Suzuki Raider 150 (5888QN) na minamaneho ni Servañez
sakay ang angkas na si Seneo ay aksidentang nabangga ang mga ito ng isang Isuzu
Elf Panel Van.
Dahil sa lakas ng impact tumilapon ang dalawang
sakay ng motorsiklo habang naiba naman ang direksiyon ng elf at dumiritso sa kabilang
lane kaya nabangga nito ang kasalubong na sasakyan na Isuzu elf Loader
Truck na minamaneho ni Ashley Pasawilan, residente ng Dadiangas East, General
Santos City.
Agad na naisugod ang mga biktima sa bahay
pagamutan pero ideneklara namang dead on Arrival si Seneo.
Nasa kritikal namang kalagayan ang drayber
ng Isuzu Elf Panel Van na isinugod na sa Davao City para sa medikal na
atensiyon.
Nasa kustodiya naman ng Matalam PNP si
Pasawilan ang drayber ng Isuzu elf Loader Truck para sa imbestigasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento