(North Cotabato/ July 26, 2015) ---Ipinaliwanag
ng dating Anak Pawis Representative ang dahilan ng paglikas ng mga lumad sa
UCCP Haran, Davao City.
Sa panayam ng DXVL news, inihayag ni
Representative Joel Maglungsod na noong Pebrero pa umano nag mass evacuation
ang mga lumad mula sa Talaingod, Kapalong Davao del Norte at San Fernando,
Bukidnon dahil tumitindi ang militarisasyon sa kanilang lugar partikular sa
Talaingod na may mga human rights violation.
Dagdag pa ni Maglunsod na kusang tinanggap
ng administrasyong simbahan ng UCCP ang mga lumad. Samantala, inihayag din ni
Maglungsod na nagkaroon ng mga diyalogo at negosasyon at ang isa umano sa
kagustuhan ng mga lumad na bumalik sa kanilang kumunidad kapalit na i pull-out
ang presensya ng militar sa kanilang lugar.
Ipinaliwanag din ni Maglungsod na nagkaroon
ng congressional resolution for inquiry at isa si Congresswoman Nancy Catamco
sa miyembro ng fact finding committee.
Dagdag pa ni Maglungsod na insulto rin daw
umano sa civilian authority ng Davao City ang pangyayari dahil idineklarang
pinaka ligtas na lugar sa Pilipinas at sa Asya ang Davao City.
Pinilit rin daw umanong buksan ng mga pulis
at militar ang gate ng UCCP sa utos ni Congresswoman Catamco kung kaya’t marami
ang sugatan sa mga lumad dahil sa tensyon na nangyari.
Samantala, sa kabila ng panawagan ni Davao
Vice Mayor Paolo Duterte na pwedeng nang umuwi ang mga lumad na gusto ng umuwi
ay hindi pa rin umuwi ang mga ito kung kaya’t napag desisyunan na lamang na
malayang makapasok ang mga ahensya ng pamahalaan na gustong tumulong sa mga
lumad.
Pinasinungalingan naman ni Representative
Joel Maglungsod na hindi totoo ang balitang may nagpakamatay umano na mag
asawang lumad dahil gusto ng umuwi.
Pinasinungalingan din ni Maglungsod ang
alegasyon na ginagamit umano ng mga NGO at ibang grupo na may personal na
interest ang mga lumad upang makahingi ng tulong sa ibang bansa.
Ayon kay Congresswoman Nancy Catamco ng 2nd
district ng North Cotabato ang chairperson ng Indigenous People sa kongreso na
napagdesisyon nila sa isinagawang press conference sa tanggapan ng DSWD na,
maari makapasok ang DSWD, DOH at ilan pang ahensiya ng gobyerno na magbibigay
ng basic services sa mga ito.
Kaugnay nito, ideneklara naman ng grupong
salagpungan na Persona Non-grata ang kongresista.
Sa kabila nito, hindi natitinag si Catamco
at kanyang paiimbestigahan sa kongreso ang ulat na ginagamit ng ilang mga
partylist representative ang mga lumad para sa kanilang personal na interest
upang makahingi ng pondo mula sa ibang bansa.
Kanya ring paiimbestigahan sa pamamagitan ng
legislative inquiry ang dahilan kung paanu napunta ang may 1,280 mga lumad sa
loob ng Haran ng UCCP gayung karamihan sa mga ito ay galing pa ng Talaingod,
Kapalong, Bukidnon at Agusan. Rhoderick Beñez & Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento