Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Karnaper arestado, nakaw nitong motorsiklo, narekober!

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Isang 19-anyos na karnaper ang naaresto sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, cotabato alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Kinilaa ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Kuplin Tanib, single at residente ng brgy. Kayaga ng bayang ito.

Budol-dudol gang, muli na namang umatake sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Patuloy pa rin ngayon ang ginagawang man-hunt operation ng mga otoridad sa tatlong mga suspek na sinasabing miyembro ng budol-dudol gang.

Sa report na ipinarating ni Sir Jun Magallon, Presidente ng Purok Tanod sa Poblacion na isang Misis na taga-Masagana ang panibagong biktima ng mga budol-budol gang kahapon kungsaan natangay mula sa Ginang ang hikaw nito na nagkakahalaga ng abot sa P10,000.00.

3 mahahalagang ordinansa sumailalim ng Public Hearing sa capitol rooftop

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 25, 2014) --– Tatlong mahahalagang ordinansa ang tinalakay sa public hearing na ginanap sa Capitol Rooftop kahapon ng umaga.

Ito ay ang Proposed Ordinance No. 2014-14-118 Adopting the Cotabato Hymn known as Dakilang Cotabato, Proposed Ordinance No. 2014-14-119 Adopting the Official Corporate Seal of the Province of Cotabato at Proposed Ordinance No. 2014-14-120 Adopting the Provincial Symbols of Cotabato Province.

Mahigit 20 kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI na-monitor ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Abot sa 29 na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI ang namonitor ng Rural Health Unit ng Kabacan sa buwan lamang ng Hunyo.
Ito ang lumalabas sa data ng Kabacan Municipal Health Office ayon sa impormasyong nakuha ng DXVL News kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Aniya karamihan sa mga nagkakasakit ng STI ay mga kababaihan edad 20-29 anyos.

Dagdag singil sa pamasahe sa Tricycle for Hire sa Kabacan, naka-amba na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Naghain kahapon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ng petisyon ang Pangulo ng Kabacan Unity Lines Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA ng dagdag singil sa pamasahe.

Batay sa nasabing kalatas na pirmado ng Presidente ng KULTODA na si Jeffrey Pedtamanan himihiling ang mga ito sa mga kasapi ng konseho sa Kabacan ng dagdag na P1.00 na singil sa pamasahe.

Cash assistance ipinamahagi sa mga biktima ng ipu- ipo sa Midsayap, North Cotabato

By Roderick Rivera Bautista 

(Midsayap, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Ipinamahagi ngayong araw ang tulong pinansyal para sa apat na pamilyang biktima ng pananalasa ng ipu- ipo sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Ginawa ang pamamahagi ng cash assistance sa tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan kung saan tig- 5,000 pesos ang tinanggap ng bawat pamilyang biktima.

Renovation ng Magpet municipal gym para sa Mutya ng Not Cot Talent at Haute Couture halos patapos na

By: Jimmy Sta. Cruz

MAGPET, Cotabato (July 21) – Matapos simulan ang renovation nitong unang linggo ng Hulyo, nagkaroon na ng malaking pagbabago ang Magpet municipal gym kung saan ginawan ito ng repairs at re-paintings.

Ito ay para sa gagawing Talent Night at fashion dress ng mga naggagandahang kandidata ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen sa August 1, 2014.

Misis nabundol ng rumaragasang sasakyan sa Aleosan, patay!

(Aleosan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Patay ang isang ginang, matapos tumilapon nang mabundol ng isang D4D pick up type vehicle sa Aleosan, North Cotabato.

Kinilala ng Aleosan PNP ang biktima na si Nida Ferinal, 40-anyos at residente ng nasabing lugar.

Kabacan MAO, nabigyan ng 300 bags ng Certified Palay Seeds matapos na kinilala bilang “Performing Municipality” ng DA XII

(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2014) ---Nabigyan ng abot sa 300 bags ng Certified Palay Seeds at 50 bags ng Registered Palay Seeds ang bayan ng Kabacan matapos na kilalanin ng Department of Agriculture Regional Office 12 bilang “Performing Municipality”.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News kay Agricultural Technologist/ Report Officer Tessie Nidoy makaraang naging awardee ang LGU-Kabacan noong 2012 sa Agri Pinoy Rice Achievers.

Diumano’y dagdag na paniningil ng ilang mga LSG sa USM, inireklamo; CA at CBDEM LSG Governors, nagpaliwanag

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2014) ---Inireklamo ng ilang mga magulang ang diumano’y dagdag na paniningil ng College of Agriculture at College of Business Development and Economics Management sa kanilang Local Student Government o LSG fee.

Una na kasing sinabi ni USM President Dr. Francisco Gil Garcia na kapag walang resolusyon at konsultasyon sa mga estudyante ng University of Southern Mindanao bawal ang dagdag na paniningil sa mga ito maliban lamang noong panahon ng enrollment.

Cash assistance ipinamahagi sa mga biktima ng ipu- ipo sa Midsayap, North Cotabato

By Roderick Rivera Bautista 

(Midsayap, North Cotabato/ July 24, 2014) ---Ipinamahagi ngayong araw ang tulong pinansyal para sa apat na pamilyang biktima ng pananalasa ng ipu- ipo sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Ginawa ang pamamahagi ng cash assistance sa tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan kung saan tig- 5,000 pesos ang tinanggap ng bawat pamilyang biktima.

USM Spokesperson at UPRIO Director, magreretiro na!

Photo by: Sir William Dela Torre
(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Isinagawa kaninang umaga ang retirement program ni University of Southern Mindanao Spokesperson at University Public Relations and Information Director Dr. Rommel Tangonan sa Waterland Resort, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.

Dumalo sa nasabing programa ang mga kapamilya, kaibigan, mga kasama sa trabaho sa USM, maging ang dating propesor ni Dr. Tangonan at maraming iba pa.

Pinggang Pinoy, ipapakilala ng CHEFS-USM sa gagawing selebrasyon ng 40th Nutrition Month Culmination

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Nakatutok ngayon ang College of Human Ecology and Food Sciences (CHEFS-USM) sa programang “Pinggang Pinoy”, na bahagi ng 40th Nutrition Month culmination na gagawin sa Kabacan Municipal Gymanasium sa Hulyo a-25.

Ayon kay CHEFS Dean Dr. Urduja Nacar na kabilang sa mga aktibidad ng Pamantasan kaugnay sa Nutrition Month ngayong taon ay ang Nutrition Fun Run/walk, “Blue Plate” for-a-cause, Nutri Quiz Bowl at maraming iba pa.

Ilang mga sakahan sa Kabacan, inatake ng Rice Tungo Virus at Bacterial Leaf Blight

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Kabacan Municipal Agriculture Office sa ilang mga sakahan sa bayan na inatake ng Rice Tungo Virus at Bacterial Leaf Blight.

Ayon kay Agricultural Technologist/ Report Officer Tessie Nidoy na bagama’t kalat kalat ang naturang sakit sa palayan kanya namang pinayuhan ang mga magsasaka na agad na puksain ang naturang sakit na umaatake ngayon sa palayan.

2 estudyante kinidnap, pinatay!

(South cotabato/ July 23, 2014) ---Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng dalawang estudyante makaraang kidnapin ay pinatay ng dating driver ng isa sa biktima sa Barangay Cabuling, bayan ng Tantangan, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Rey “Kabal” Pacifico, 16, estudyante ng Tantangan Trade School at Robert Mallet, 14, Filipino-British, estudyante ng Notre Dame Siena School of Marbel na kapwa residente sa nabanggit na bayan.

Wanted dahil sa kasong Frustrated Murder, tiklo ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Arestado ng pinagsanib ng pwersa ng Matalam PNP at ng Davao City Police Station 9 ang isang wanted sa kasong frustrated murder habang nagtatago ito sa Block 34, Lot 56, Phase 9B, Deca Homes Subd., Brgy. Tacunan, Tugbok District, Davao City kamakalawa.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Johill Hechanova, 38-anyos, may asawa at residente ng Purok Yellow Bell, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.

DOLE ipinamahagi ang salary checks ng mga government interns sa Distrito Uno ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Pormal nang ipinamahagi ng Department of Labor and Employment o DOLE ang salary checks ng mga kabataang sumasailalim sa Government Internship Program o GIP sa Unang Distrito ng North Cotabato.

Pinangunahan ni DOLE XII Regional Director Ofelia Domingo ang distribusyon ng mga tseke na ginanap kahapon sa Kapayapaan Hall dito sa bayan. Sinaksihan ito ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno na nagsilbing partner- employers ng internship program.

Paslit, patay sa humaharurot na sasakyan!

(Tacurong City/ July 22, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang taong gulang na paslit makaraang mahagip ng humaharurot na sasakyan ang sinasakyan niyang motorsiklo kasama ang kanyang mga magulang sa Tacurong city, Sultan Kudarat kahapon.

Kinilala ng Tacurong City PNP ang nasawi na si Abdulrakman Salaban, habang sugatan din ang mga magulang nitong sina Brando Salaban, 29-anyos at Baidido Salaban, 28-anyos pawang mga taga-Datu Paglas, Maguindanao.

2-day seminar-workshop para sa mga dept. heads at admin officers ginagawa ngayon sa kapitolyo

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 22, 2014) – Sumasailalim ngayon sa dalawang araw na seminar-workshop ang mga department heads at administrative officers ng provincial capitol ng Cotabato sa capitol rooftop, Barangay Amas, Kidapawan City mula July 16-17, 2014.

Ito ang Seminar-Workshop on the Crafting of the Human Resource Plan na naglalayong mabigyan ng update ang mga heads at admin officers patungkol sa pagpaplano at pagbuo ng kanilang mga human resources at matugon ang pangangailangan para sa mahusay na HR framework.

Vulcanizing laborer sa Kidapawan City, itinumba!

(Kidapawan city, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Pinaniniwalaang onsehan sa droga kaya pinaslang hanggang sa mapatay ang isang vulcanizing shop laborer sa bahagi ng Quezon Boulevard, Kidapawan City alas 1:10 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Rowell Pacate Suico, 23-anyos at residente ng Matalam St., Kidapawan City.

38-anyos na magsasaka, nahulihan ng baril at shabu sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 38-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng baril at shabu sa isinagawang operation sita at kap-kap bakal sa bahagi ng Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato nitong linggo ng gabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Bazer Ulangkaya Afdal, may asawa at residente ng Paidu Pulangi, bayan ng Pikit, North Cotabato.

Kampaya kontra kolurom na sasakyan sa Kabacan, mas pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra kolurom na mga bumibiyaheng tricycle at trisikad sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP katuwang nila sa nasabing operasyon ang Kabacan Traffic Management Unit o TMU na pinamumunuan ni Ret. Col. Antonio Peralta.

DOST Undergraduate Scholarships, binuksan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Inanunsiyo ngayon ng Department of Science and Technology na tumatanggap na sila ngayon ng mga aplikante para sa Undergraduate Scholarships.

Ang naturang programa ay bukas lalo na sa mga graduating High School students na gustong maka-avail ng scholarship sa DOST na kukuha ng degree sa Science, Mathematics at Engineering.

Kasong isinampa sa Civil Service Commission ng dating Pangulo ng USM sa ilang mga kawani nito, ibinasura ng ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Tuluyan nang na-idismiss ng Civil Service Commission ang kasong isinampa ni dating USM Pres. Dr. Jess Derije laban sa ilang mga empleyado ng University of Southern Mindanao.

Batay sa 31-pahinang desisyon na inilabas ng komisyon na pirmado ni CSC Director IV Grace Belgado-Saqueton na ibinasura ang naturang kaso laban sa 63 katao na nasampahan nito dahil sa kawalan ng ebedensiya.

Kasong isinampa sa Civil Service Commission ng dating Pangulo ng USM sa ilang mga kawani nito, ibinasura ng ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Tuluyan nang na-idismiss ng Civil Service Commission ang kasong isinampa ni dating USM Pres. Dr. Jess Derije laban sa ilang mga empleyado ng University of Southern Mindanao.

Batay sa 31-pahinang desisyon na inilabas ng komisyon na pirmado ni CSC Director IV Grace Belgado-Saqueton na ibinasura ang naturang kaso laban sa 63 katao na nasampahan nito dahil sa kawalan ng ebedensiya.

2 karnaper, bulagta sa shootout sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Bumulagta ang dalawang mga pinaniniwalaang mga carnapper makaraang mapatay ng mga otoridad sa nangyaring barilan sa gitna ng sakahan sa bahagi ng Purok 6, Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato alas 8:50 kahapon ng umaga.

Sa report ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na bigong makapagsagawa ng pa-ngangarnap ang dalawang suspek kaya kanilang tinutukan ng baril ang kanilang nabiktima sa bahagi ng brgy. Dagupan.

BIFF at Militar muling nagka-engkwentro sa Maguindanao

(Maguindanao/ July 21, 2014) ---Daan-daang mga sibilyan na ngayon ang nagsilikas makaraang muling sumiklab ang tensiyon sa lalawigan ng Maguindanao sa muling pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF simula pa kahapon.

Sinabi ni 6th ID Spokesman Col Dickson Hermoso na mag-iisang araw ng nagpapalitan ng putok ang mga ito kontra naman sa mga elemento ng 6th Infantry Division sa bahagi ng Brgy. Damalabas sa bayan ng Datu Piang at Brgy Ganta sa Shariff Saidona Mustapha.

P10M Gamot nasunog sa IPHO North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ July 21, 2014) ---Naabo ang kulang-kulang sampung milyong mga gamot sa nangyaring sunog sa Stock Room ng Integrated Provincial Health Office ng North Cotabato alas 8:00 ng umaga nitong Sabado.

Ayon kay North Cotabato BFP Deputy Director Fire Inspector Marleap Nabor na maliban sa pagkakasunog ng IPHO Building dalawang mga kalapit na gusali nito ang bahagyang nasunog.
Wala namang may naiulat na nasaktan sa naturang insidente kungsaan patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon.

Malaking papel na ginagampanan ng DXVL, kinilala ng Alkalde ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pagbibigay ng tamang balita at impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng Radyo, lalo itong DXVL FM.

Ito ang sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa isang payak na selebrasyon ng anibersaryo ng DXVL Radyo ng Bayan nitong Biyernes na ginanap sa CAS Lobby, USM compound, Kabacan, Cotabato.

53-anyos na magsasaka, patay sa nangyaring pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Patay ang isang 53-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang pauwi na ito sa kanilang bahay sa Brgy. Upper Dado Proper, Alamada, North Cotabato alas 6:00 kagabi.

Sa ulat sa DXVL News ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na kinilala ang biktima na si Kadsak Malidas, may asawa at magsasaka residente ng Sitio Palipayen, Brgy. Upper Dado ng nasabing bayan.

67th Founding Anniversary ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng 67th Founding Anniversary ng bayan.

Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib iba’t-ibang mga aktibidad ang inihanda ng LGU para sa nasabing kapiestahan.

3 sugatan ng aksidenteng masalpok ng Weena Bus ang motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Sugatan ang tatlo katao makaraang aksidenteng mabangga ng isang Weena Bus ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa bahagi ng National Highway sa kurbadang bahagi ng Terminal ng Matalam, North Cotabato alas 4:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga sugatan na sina Rjay Yson, 25, driver habang sugatan naman ang dalawa pa nitong mga sakay na sina Charnel Camilo, 26, may asawa at Rolien Rapista, 20-anyos lahat mga residente ng Lika, Mlang, North Cotabato.

USM Hospital, inireklamo ng Kabacan PNP sa di maagap na pagtugon ng mga doktor sa kanilang kliyente na sasailalim sa medico legal

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Inireklamo ng Kabacan PNP ang diumano’y di agad pagtugon ng ilang mga doktor na on-duty sa USM Hospital kagabi sa kanilang kliyente.

Sa pahayag ng ilang mga elemento ng Kabacan PNP na nagtungo sa nasabing ospital dala ang suspek na may paglabag sa RA 9262 na kanila sanang ipapasuri ang kalusugan ng suspek bago ipasok sa selda pero imbes na tingnan agad ang kalagayan ng suspek, ilang oras umano silang pinahintay.

Cotabato Gov. Lala Mendoza, inatasan na ang Bureau of fire na imbestigahan ang nangyaring sunog sa IPHO

(Kidapawan City/ July 21, 2014) ---Inatasan na ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang Bureau of Fire Protection na imbestigahan ang pinagmulan ng sunog sa storage room ng Integrated Health Office (IPHO) na nasa Capitol Compound, Kidapawan City nitong umaga ng Sabado.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga imbestigador ng pamatay sunog kung magkano ang iniwang pinsala ng naturang sunog.

Bangkay na natagpuang, palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao sa bayan ng Pikit, North Cotabato; inilibing na!

(Pikit, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Inilibing na kahapon ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa ilog ng Rio Grande de Mindanao partikular sa bisinidad ng Brgy. Rajamuda, Pikit, North Cotabato pasado alas 10:00 ng umaga nitong Sabado.

Sa report ng Pikit PNP ang nasabing bangkay ng lalaki ay nagtamo ng maraming taga at tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.