(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Inireklamo
ng Kabacan PNP ang diumano’y di agad pagtugon ng ilang mga doktor na on-duty sa
USM Hospital kagabi sa kanilang kliyente.
Sa pahayag ng ilang mga elemento ng Kabacan
PNP na nagtungo sa nasabing ospital dala ang suspek na may paglabag sa RA 9262
na kanila sanang ipapasuri ang kalusugan ng suspek bago ipasok sa selda pero
imbes na tingnan agad ang kalagayan ng suspek, ilang oras umano silang
pinahintay.
Naka-dalawang beses pa umanong bumalik sa
USM Hospital ang personnel ng Kabacan PNP bago na-check-up ang suspek ng mga
doktor on duty kagabi.
Sa panig naman ng USM Hospital sinabi ni Dr.
Pres Ingkong na may sinusunod umanong protocol ang ang mga ito na hintayin muna
ang 24-oras para maipasuri ang pasyente sa Municipal Health Office ng Kabacan
maliban lamang na emergency ito na agad ay tutugunan ng ospital.
Paliwanag naman ng mga nagreklamong mga
pulis na may iniindang karamdaman kasi ang suspek kaya di ito maaring ipasok sa
lock-up cell kung hindi napasuri ang kalusugan nito.
Ito dahil linggo kahapon at sarado ang
tanggapan ng RHU Kabacan.
Sagot naman ni Dr. Ingkong na dapat ay bukas
din 24-oras ang mga Rural Health Unit para kung may kahalintulad na insidente
ay agad na masuri ito ng Municipal Health Officer.
Ayon sa mga pulis, hindi lang ito unang
beses na nangyari, ilang mga kahalintulad umanong pangyayari na may tinanggihan
na umano ang nasabing bahay pagamutan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento