(Maguindanao/ July 21, 2014) ---Daan-daang
mga sibilyan na ngayon ang nagsilikas makaraang muling sumiklab ang tensiyon sa
lalawigan ng Maguindanao sa muling pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom
Fighter o BIFF simula pa kahapon.
Sinabi ni 6th ID Spokesman Col Dickson
Hermoso na mag-iisang araw ng nagpapalitan ng putok ang mga ito kontra naman sa
mga elemento ng 6th Infantry Division sa bahagi ng Brgy. Damalabas sa bayan ng
Datu Piang at Brgy Ganta sa Shariff Saidona Mustapha.
Inaalam pa ni Col. Hermoso kung ilan na ang
nasasaktan o namamatay sa naturang engkwentro.
Mariin namang inamin ni BIFF Spokesperson
Abu Misry Mama na sila pa rin ang nasalikod ng panibagong kaguluhan.
Sinasabing dalawang miyembro na nila ang
nasusugatan habang walong sibilyan naman ang nasugatan makaraang bagsakan ng
bala ng 105 Howitzer na pinakawalan ng mga military.
Hindi rin sila titigil hanggat di pa rin
napapalaya ang Mag-amang magsasaka na dinukot umano ng Militar sa bahagi ng
Datu Unsay noong Hulyo 3.
Maliban dito, isa ring Improvised Explosive
Device ang natagpuan malapit sa isang Deatchment sa Lower Salvo Datu Saudi
Ampatuan Maguindanao
Gawa sa 81MM Mortar ang nakitang IED kaya
agad na nai-disrupt ito.
Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay
sinalakay din ng BIFF ang Plantation ng Banana sa Tulunan North Cotabato.
Sinunog rin ng mga ito ang halos tatlumpong
milyong halaga ng Heavy Equipment ng Delinanas Company.
Nangyari ang insidente habang kasagsagan ng
pagdiriwang ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento