By: Jimmy Sta. Cruz
MAGPET, Cotabato (July 21) – Matapos simulan
ang renovation nitong unang linggo ng Hulyo, nagkaroon na ng malaking pagbabago
ang Magpet municipal gym kung saan ginawan ito ng repairs at re-paintings.
Ito ay para sa gagawing Talent Night at fashion
dress ng mga naggagandahang kandidata ng Search for the Mutya ng North Cotabato
2014 Centennial Queen sa August 1, 2014.
Ayon kay Ralph Ryan Rafael, focal person ng
PGO Media Affairs at Search for the Mutya ng NotCot 2014, kailangang sumailalim
sa repairs ar renovation ang naturang gym at dagdagan ito ng ilang mga
istruktura tulad ng stage para sa pagrampa ng mga kandidata.
Pininturahan din ang gym at inayos ang mga
bleachers nito at nilinis ang paligid.
Ito ay upang maging lalong presentable ang
municipal gym sa gagawing Talent Night at Haute Couture kung saan inaasahang
dadagsa ang mga malalaking personality at ang napakaraming tao.
Katuwang ng Provincial Government of
Cotabato ang LGU Magpet sa naturang renovation.
Kahapon ay sumabak na naman sa practice ang
mga Mutya hopefuls kung saan kahit umuulan ay di nagpapigil ang mga ito sa
aktibidad.
Ang mga kandidata ay kinabibilangan nina
Sweetsel G. Cadungog, Jezabel S. Bustamante, Marie Anotonette V. Relacion,
Jayzelle Joy. B. Palang, Jonamie S. Serra, Charmaine R. Fajanela, Charice Faith
V. Tero, Mungan E. Mamparair, Liezel A. Libria, Syrhene A. Allado, Stepahine A.
Abellana, Ma. Jemi Kehiza D. Arroyo, Reane Pia B. Poblador at Mary Queen P. de
Vera.
Sinabi ni Rafael na ibubuhos ng mga
kandidata ang lahat ng kanilang makakaya upang makamit ang korona bilang
pinakamaganda at pinakamatalinong dalaga sa lalawigan ng Cotabato.
Ang Search for Mutya ng North Cot. 2014 ay
isa sa mga highlights ng pagdiriwang ng ika-100 taon o centennial celebration
ng Cotabato province. JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center, DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento