Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cash assistance ipinamahagi sa mga biktima ng ipu- ipo sa Midsayap, North Cotabato

By Roderick Rivera Bautista 

(Midsayap, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Ipinamahagi ngayong araw ang tulong pinansyal para sa apat na pamilyang biktima ng pananalasa ng ipu- ipo sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Ginawa ang pamamahagi ng cash assistance sa tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan kung saan tig- 5,000 pesos ang tinanggap ng bawat pamilyang biktima.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga biktima sa natanggap na tulong.

Ayon kay Ramon Cantomayor na isa sa mga biktima, magagamit umano nila ito sa pagpapaayos ng kanilang nasirang kabahayan.

Kaugnay nito, inihayag ni First Congressional District Office Focal Person for Special Operation Benny Queman na nagmula sa pondo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII ang ipinamahaging tulong pinansiyal.

Matatandaang naganap ang pananalasa ng ipu- ipo sa barangay Salunayan nitong nakaraang buwan ng Mayo kung saan ilang mga kabahayan ang nasira, mga malalaking punong nagtumbahan at dalawa ang napaulat na nasawi.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento