Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampaya kontra kolurom na sasakyan sa Kabacan, mas pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 22, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya kontra kolurom na mga bumibiyaheng tricycle at trisikad sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP katuwang nila sa nasabing operasyon ang Kabacan Traffic Management Unit o TMU na pinamumunuan ni Ret. Col. Antonio Peralta.

Sinabi ng opisyal na maliban sa nasabing kampanya ay nagpapatuloy naman ang kanilang operasyon sita at kap-kap bakal sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan lalo na kapag gabi.

Dahil dito abot sa 15 mga motorsiklo, sikad at mga tricycles ang kanilang na-impound nitong weekend lamang dahil sa mga paglabag sa batas trapiko.


Maliban dito, patuloy naman ang kanilang isinasagawang foot patrol sa bayan at implementasyon ng No Plate, No OR-CR, No Driver’s License, No Franchise; No Travel Policy at ang pagpapatupad ng anti-open pipe sa mga motorsiklo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento