Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

67th Founding Anniversary ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng 67th Founding Anniversary ng bayan.

Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib iba’t-ibang mga aktibidad ang inihanda ng LGU para sa nasabing kapiestahan.

Kabilang sa mga highlight ng aktibidad ay ang konsiyerto sa Plaza kungsaan si Max Surban ang magbibigay aliw sa mga taga-Kabakenyos sa August 17.

Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita naman sa Anniversary Program si Hon. Alma Moreno ang National President ng Philippine Councilor’s League.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang Inter-Barangay Basketball championship Game, Interfaith Thanksgiving Service, Barangay Day, Alay Gupit, Agri Supplies Distribution, Medical/Dental/Bloodletting, Agri-Trade Fair, Palarong Pinoy, Hindi Pa kami Laos at Acrobatic Show lahat yan sa August 13.

Sa August 14 naman ay ang Zumba Exercise at Cultural Show, August 15 ang Kasalan ng Bayan at Search for Miss Gay Persona, August 16 Drum and Lyre competition, 10-Ball Billiard tournament, Badminton at Tennis Tournament.

Sa August 17 gagawin ang Hiphop competition at konsiyerto sa plaza with Max Surban habang sa August 18 ang Grand Parade, Anniversary Program at ang Mayor’s Night.

Nakasentro ang aktibidad sa temang: “UNLAD KABACAN; KAYA NATIN TO”. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento