Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P10M Gamot nasunog sa IPHO North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ July 21, 2014) ---Naabo ang kulang-kulang sampung milyong mga gamot sa nangyaring sunog sa Stock Room ng Integrated Provincial Health Office ng North Cotabato alas 8:00 ng umaga nitong Sabado.

Ayon kay North Cotabato BFP Deputy Director Fire Inspector Marleap Nabor na maliban sa pagkakasunog ng IPHO Building dalawang mga kalapit na gusali nito ang bahagyang nasunog.
Wala namang may naiulat na nasaktan sa naturang insidente kungsaan patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon.

Kabilang sa mga anggulong sinisilip ng BFP North Cotabatao ang may kaugnayan sa kuryente at kung ito’y sinadya.

Sinabi ni IPHO North Cot OIC Director Dra. Eva Rabaya na kabilang sa mga naabo ay ang mga bago dating ng mga Vaccines, mga gamot para sa Malaria at mga pang-outreach Program ng North Cotabato Government.

Sinabi naman ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na nagsagawa na ng emergency procurement ang provincial government para di mabalam ang operasyon at programang pangkalusugan ng Department of Health (DOH), Integrated Provincial Health Office (IPHO) at ng Rural Health Units (RHU’s) habang hinihintay naman ang kumpletong imbestigasyon ng naturang sunog. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento