By:
Roderick Rivera Bautista
(Midsayap,
North Cotabato/ July 22, 2014) ---Pormal nang ipinamahagi ng Department of Labor
and Employment o DOLE ang salary checks ng mga kabataang sumasailalim sa
Government Internship Program o GIP sa Unang Distrito ng North Cotabato.
Pinangunahan
ni DOLE XII Regional Director Ofelia Domingo ang distribusyon ng mga tseke na
ginanap kahapon sa Kapayapaan Hall dito sa bayan. Sinaksihan ito ng mga lokal
na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno na nagsilbing partner- employers ng
internship program.
Sa
kanyang mensahe ay pinaalalahanan ni Regional Director Domingo ang mga
government interns na samantalahin ang pagkakataong ito na matutunan ang
kahalagahan ng serbisyo publiko.
Sa
tatlong distrito ng lalawigan ay nagtala ang North Cotabato First District ng
pinakamaraming bilang ng benepisyaryo ng GIP na abot sa isandaan.
Samantala,
kasabay ng nasabing aktibidad ang pakikipagpulong ng mga government interns kay
North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan.
Binigyang-
diin ng kongresista na kapwa malaking responsibilidad ang gagampanan ng mga
ahensya ng pamahalaan at mga kawani nito upang makapagbigay ng dekalidad na
serbisyo sa mga mamamayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento