(Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2014) ---Nabigyan
ng abot sa 300 bags ng Certified Palay Seeds at 50 bags ng Registered Palay
Seeds ang bayan ng Kabacan matapos na kilalanin ng Department of Agriculture
Regional Office 12 bilang “Performing Municipality”.
Ito ang napag-alaman ng DXVL News kay
Agricultural Technologist/ Report Officer Tessie Nidoy makaraang naging awardee
ang LGU-Kabacan noong 2012 sa Agri Pinoy Rice Achievers.
Kabilang sa mga Kinilala sa Agri Pinoy Rice
Achievers sa Agricultural Extension Workers Category ay sina: Sasong Pakkal,
Genoveva Agcaracar, Aida Do-ong, Lorna Mapanao, Dionesia Mutoc, Tessie Nidoy,
Emma Pagarigan at Marcela Tambio.
Samantala nitong 2013 tinalo ng LGU
Lambayong ang Kabacan pero pasok pa rin ang limang mga Extension workers sa
kaparehong kategorya na kinilalang sina: Pakkal, Agcaracar, Do-ong, Nidoy at
Pagarigan.
Sanabi ni Nidoy na dahil sa nabanggit
nabigyan na parangal ay nabigyan ng DA 12 ng abot sa 300 bags na Certified
Palay Seeds at 50 bags ng Registered Palay Seeds ang bayan sa ilalim ng
Pass-over Scheme Program na tinatawag na Community Seed Banking batay sa mga
na-identify na Irrigators Association na benepisyaryo nito.
Ayon pa sa report officer ng MAO Kabacan na
kabilang sa mga nabigyan ng 50 bags ng RS ay ang Bangilan IA at 28 naman sa
Cuyapon IA.
Habang patuloy naman tinutukoy ng MAO ang
ilan pang mga benepisyaryo nito. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento