Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2-day seminar-workshop para sa mga dept. heads at admin officers ginagawa ngayon sa kapitolyo

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 22, 2014) – Sumasailalim ngayon sa dalawang araw na seminar-workshop ang mga department heads at administrative officers ng provincial capitol ng Cotabato sa capitol rooftop, Barangay Amas, Kidapawan City mula July 16-17, 2014.

Ito ang Seminar-Workshop on the Crafting of the Human Resource Plan na naglalayong mabigyan ng update ang mga heads at admin officers patungkol sa pagpaplano at pagbuo ng kanilang mga human resources at matugon ang pangangailangan para sa mahusay na HR framework.

Si Cot. Provincial Human Resource and Management Office Head Aurora P. Garcia ang nagbigay ng opening remarks at overwiew ng naturang seminar.

Si Provincial Administrator Van D. Cadungon naman ang nagbigay ng policy direction ng Provincial Government of Cotabato.

Tinalakay sa unang araw ng seminar kahapon ng umaga ang mga sumusunod na topiko: HR planning, concept, purposes and elements, HR plan, challenges and common pitfalls at review on vision, mission and core values ng PHRMO at iba pang departamento.

Sa hapon naman ay tinalakay ang HR plan process, job and gap analysis with workshop at nagkaroon din sila ng output presentations and critiquing.

Ngayong araw naman ay pag-uusapan sa seminar ang career path, succession planning, pre-retirement planning, written exercise on HR plan, HR templates workshop at bago magtapos ang seminar ay magsasagawa sila ng evaluation.

Malaki naman ang magagawa ng seminar-workshop na ito para sa mga dept. heads at admin officers at maging sa mga executive assistants dahil magsisilbi itong refresher sa mga polisiya at alituntunin na kanilang ipinatutupad.


Magiging gabay din nila ito sa pagbuo ng iba pang importanteng polisiya sa kani-kanilang mga departamento upang mas lalo pa silang maging epektibo sa kanilang mga gawain. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento