(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Abot
sa 29 na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI ang namonitor ng Rural
Health Unit ng Kabacan sa buwan lamang ng Hunyo.
Ito ang lumalabas sa data ng Kabacan
Municipal Health Office ayon sa impormasyong nakuha ng DXVL News kay Disease
Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.
Aniya karamihan sa mga nagkakasakit ng STI
ay mga kababaihan edad 20-29 anyos.
Sinabi pa ni Cabellon na karamihan sa mga
may sakit na STI ay hindi naman taga-Kabacan at dito lamang sa mga ospital ng
bayan nagpapagamot.
Naitala ang mga nagkakasakit ng Sexually
Transmitted Infections o STI kagaya ng Syphilis sa Carmen 1, Mlang 1, Kabacan
4, Pikit 8 lahat ay buhat sa North Cotabato; habang sa Pagalungan 3 at Cotabato
City 1 mula naman sa Maguindanao.
Samantala, sa Hepatitis B naman nakapagtala
ang bayan ng Carmen ng 3, Mlang 1, Kabacan 5 at Pikit 2.
Ang nasabing record ay mula sa iba’t-ibang
hospital dito sa bayan ng Kabacan na namonitor ng RHU Kabacan.
Kaugnay nito patuloy naman ngayon ang
ginagawang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan hinggil sa naturang mga sakit
lalo na sa mga sex workers dito sa Kabacan, ayon pa kay Municipal Health
Officer Dr. Sofronio Edu Jr. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento