Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malaking papel na ginagampanan ng DXVL, kinilala ng Alkalde ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pagbibigay ng tamang balita at impormasyon sa taong bayan sa pamamagitan ng Radyo, lalo itong DXVL FM.

Ito ang sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa isang payak na selebrasyon ng anibersaryo ng DXVL Radyo ng Bayan nitong Biyernes na ginanap sa CAS Lobby, USM compound, Kabacan, Cotabato.

Ang punong ehekutibo ang isa sa mga panauhing bisita sa nasabing programa kungsaan suportado din nito ang himpilan sa pagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon hindi lamang sa Kabacan kundi maging sa mga kalapit bayanat sa naaabot ng pag-bobroadcast nito.

Dumalo din sa nasabing program si USM Pres. Dr. Francisco Garcia kungsaan binigyang diin nito ang ilan pang mga enhancement program ng himpilan.

Maliban dito, dumalo din si KWD General Manager Ferdie Mar Balungay, dating DXVL Station Manager Dr. Anita Tacardon, USM-CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan, Devcom Chair Althea Garcia, ilang mga kawani ng LGU, Devcom Faculty at Students.

Lubos naman ang pasasalamat ng himpilang ito sa lahat ng mga tumugon sa isinagawang bloodletting activity at fun run na naging matagumpay na bahagi ng civic project ng himpilan sa kanyang ika-walong taong anibersaryo.


Nakasentro ang selebrasyon sa temang “Celebrating Eaight Years of Public Service and Entertainment”. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento