Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 sugatan ng aksidenteng masalpok ng Weena Bus ang motorsiklo sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ July 21, 2014) ---Sugatan ang tatlo katao makaraang aksidenteng mabangga ng isang Weena Bus ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito sa bahagi ng National Highway sa kurbadang bahagi ng Terminal ng Matalam, North Cotabato alas 4:25 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga sugatan na sina Rjay Yson, 25, driver habang sugatan naman ang dalawa pa nitong mga sakay na sina Charnel Camilo, 26, may asawa at Rolien Rapista, 20-anyos lahat mga residente ng Lika, Mlang, North Cotabato.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, habang papalabas ang pampasaherong Bus na may license Plate MWC 454 buhat sa Matalam Public terminal papunta ng National Highway ng masagi nito ang isang XRM 110 na may temporary plate number 1244-4450 na buhat naman sa Arden cockpit Arena, ayon pa kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP.

Mabilis na isinugod sa Babol General Hospital ang tatlo pero agad namang inilipat sa Madonna Hospital si Yson ang driver ng motorsiklo para mabigyan ng medikal na atensiyon.


Sa ngayon nasa kustodiya naman ng Matalam PNP ang drayber ng Weena Bus na nakilalang si Benjamin Pancho, 64 at residente ng Km Bangkal, Davao City gayundin ang Unit ng Bus habang patuloy ang imbestigasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento