Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Diumano’y dagdag na paniningil ng ilang mga LSG sa USM, inireklamo; CA at CBDEM LSG Governors, nagpaliwanag

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 24, 2014) ---Inireklamo ng ilang mga magulang ang diumano’y dagdag na paniningil ng College of Agriculture at College of Business Development and Economics Management sa kanilang Local Student Government o LSG fee.

Una na kasing sinabi ni USM President Dr. Francisco Gil Garcia na kapag walang resolusyon at konsultasyon sa mga estudyante ng University of Southern Mindanao bawal ang dagdag na paniningil sa mga ito maliban lamang noong panahon ng enrollment.

Batay sa nasabing reklamo, nakalagay na rin sa assessment form ng mga estudyante ang bayarin sa LSG fee sa panahon ng enrollment bagay na inalmahan ng ilang mga magulang at mag-aaral ng kolehiyo ang dagdag na bayarin.

Paliwanag naman ni CA-LSG Governor Ronie Españo na aprubado naman ang kanilang dagdag na singil batay sa resolusyon na kanilang binalangkas sa University Student Government at aprubado ni USG Pres. Jacklyn Garcia.

Pero ang sinasabing paniningil ng abot sa P500 sa bawat CA students, itinanggi ng estudyanteng opisyal.

Aniya P350 lamang ang kanilang sinisingil kasama na dito yung P100 na emergency fund na una ng nabayaran ng mga estudyante sa admin.

Samantala sa panig naman ng CBDEM, ini-isa-isa ni CBDEM LSG Governor Dexter Jade Buday ang breakdown ng mga babayarin ng mga estudnyante ng kolehiyo kaugnay sa dagdag na paniningil nila sa LSG fee.

Aniya umaabot ng mahigit sa dalawang libu ang mga amg-aaral ng CBDEM kaya hindi sapat ang LSG fee na P100 na kanilang ibinayad sa admin.

Bukod doon, wala ding mapagkukunan ng pondo ang koliheyo para sa acquaintance party nila maliban pa sa babayarin sa Department of Equipment na umaabot ng P47.00; Department of Socio-Cultural na P186.00 at Department of Extension and Services P17; Department of Student Welfare P6.25; Department of Information P7.75 at kanilang contingency plan.

Samantala, sa kabila ng wala pang ipinalabas na kalatas si USM Pres. Dr. Francisco Garcia na aprubado na ang kanilang paniningil ng dagdag na bayarin, umarangkada na rin ngayon ang kanilang pagsingil sa mga estudyante. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento