Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Budol-dudol gang, muli na namang umatake sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Patuloy pa rin ngayon ang ginagawang man-hunt operation ng mga otoridad sa tatlong mga suspek na sinasabing miyembro ng budol-dudol gang.

Sa report na ipinarating ni Sir Jun Magallon, Presidente ng Purok Tanod sa Poblacion na isang Misis na taga-Masagana ang panibagong biktima ng mga budol-budol gang kahapon kungsaan natangay mula sa Ginang ang hikaw nito na nagkakahalaga ng abot sa P10,000.00.

Sinasabing hindi pa nakalabas ang sinasakyan ng mga suspek na kulay gray at posibleng nagtatago sa isang compound dito sa Kabacan.

Ang mga suspek na di pa kinilala ay dalawang babae na may edad na at isang lalaki na drayber ng mga ito.

Panawagan ng mga otoridad sa publiko na kung sinuman ang nakakita ng naturang kotse na kulay gray at walang opisyal plate number ay agad na isumbong sa kinauukulan.

May naka-amba namang pabuya ang sinumang makapagturo ng naturang sasakyan.

Sa ngayon, hinigpitan na ng mga elemento ng pulisya katuwang ang Traffic Management Unit ng Kabacan ang lahat ng mga lagusan kasama na ang mga check at choke point sa bayan para mabantayan na di makakalabas ng bayan ang naturang sasakyan.

Una naring nagpaalala kahapon si TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa publiko na di agad agad magpapaniwala sa mga alok na malaking pera kung hindi naman kakilala ang mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento