Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Spokesperson at UPRIO Director, magreretiro na!

Photo by: Sir William Dela Torre
(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2014) ---Isinagawa kaninang umaga ang retirement program ni University of Southern Mindanao Spokesperson at University Public Relations and Information Director Dr. Rommel Tangonan sa Waterland Resort, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.

Dumalo sa nasabing programa ang mga kapamilya, kaibigan, mga kasama sa trabaho sa USM, maging ang dating propesor ni Dr. Tangonan at maraming iba pa.

Nagbigay din ng kanyang pasasalamat si USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa naging kontribusyon ni Dr. Tangonan sa Pamantasan.

Si USM Pres. Garcia ay dating estudyante ni Dr. Rommel Tangonan.

Nabatid na umabot ng 40-taon ang naging paglilingkod ni Dr. Tangonan sa USM kungsaan tumanggap na ito ng maraming pagkilala mula sa Pamantasan.

Bagama’t nauna na ang kanyang retirement program kanina, isasabay naman sa kanyang kaarawan sa Agosto a-4 ang kanyang pagreretiro.

Ipinanganak ang UPRIO Director noong Agosto a-4 taong 1949.

Suportado rin si Dr. Rommel ng kanyang may bahay na dekana ng College of Arts and Sciences o CAS-USM.

Kabilang sa mga kapatid ni Dr. Rommel na dumalo ay dating University Professor ng USM na si Dr. Naomi Tangonan, Scientist at ang dating dean ng College of Human Ecology and Food Sciences Dr. Jo Tangonan.


Dumalo din sa nasabing programa sina VPAA Dr. Palasig Ampang, VP-Administration and Finance Dr. Lope Dapon, VP-Research and Extension Dr. Cayetano Pomares, FA Pres. Ronald Pascual, OSA Director Dr. Nicolas Turnos, CVM Dean Dr. Emerlie Okit, CENCOM Dean Dr. Nelson Belgira, dating USM DXVL FM Station Manager Dr. Anita Tacardon at maraming iba pa. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento