Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mahahalagang ordinansa sumailalim ng Public Hearing sa capitol rooftop

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 25, 2014) --– Tatlong mahahalagang ordinansa ang tinalakay sa public hearing na ginanap sa Capitol Rooftop kahapon ng umaga.

Ito ay ang Proposed Ordinance No. 2014-14-118 Adopting the Cotabato Hymn known as Dakilang Cotabato, Proposed Ordinance No. 2014-14-119 Adopting the Official Corporate Seal of the Province of Cotabato at Proposed Ordinance No. 2014-14-120 Adopting the Provincial Symbols of Cotabato Province.

Lahat ng ito ay iniakda ni 3rd District of Cotabato Ex-Officio Board Member at Provincial Councilors League President Dulia Sultan.

Dumalo sa public hearing ang kinatawan ng iba’t-ibang sektor kabilang ang DepEd, Sangguniang Bayan Council Members ng iba’t-ibang munisipyo, LGU representatives at iba pa.

Lumahok sa aktibidad si Cot. Vice Gov. Greg Ipong at mga Board Members na sina Eliseo Garcesa, Jr., Ivy Dalumpines-Balitoc at Noel Baynosa.

Batay sa P.O. 118, aalisin na ang kataga o salitang “North” sa Dakilang Cotabato at tatawagin na lamang itong Cotabato.

Sinabi ni BM Sultan na batay sa Batasang Pambansa 660, bilang mother province ng dating Empire Province of Cotabato ay tatawagin ng Cotabato ang North Cotabato

Lahat ng mga ito ay iniakda ni Board Member Dulia D. Sultan ng 1st District of Cotabato na siya ring Association of Barangay Chairmen o ABC ng Cotabato.

Ayon kay BM Sultan, mahalaga ang nilalaman ng naturang mga ordinansa dahil taglay nito ang mga pagbabago na ipatutupad sa  pagkakakilanlan o identity ng lalawigan ng Cotabato.

Batay sa Proposed Ord. No. 2014-14-118, aalisin na ang kataga o salitang “North” sa Dakilang Cotabato.

Sinabi ni BM Sultan na batay sa Batasang Pambansa 660, bilang mother province ay tatawaging  Cotabato ang lalawigan at hindi North Cotabato.

Nagdudulot daw kasi ng kalituhan kung gagamitin pa ang North kaya dapat ay Cotabato mna lamang.

Sa ilalim naman ng Proposed Ordinance No. 2014-14-119, tatanggalin na ang simbolo ng crescent moon, kris at kampilan dahil nagpapahiwatig ang mga ito ng digmaan. DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento