Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Akusado sa illegal number games, pinawalang sala ng hukom


(Kabacan, North cotabato/April 27, 2012) ---Pinawalang sala ng hukuman si Akmad Guialani kasama ang tatlong babae at isa dito ay minor de edad matapos di mapatunayan ng mga taga-usig ang conspiracy angle o kasabwat siya sa mga nagpapataya ng last two sa Kabacan.

Hinuli kasi si Akmad kasama ang tatlo ng National Bureau of Investigation, Central Mindanao Office (CEMRO) sa pangunguna ni Rizaldy Rivera dahil sa hinihinalang “look out” at nakikipag-usap sa isang tao sa kanyang turn-way hand held radio at nakatayo sa  malapit sa booth ng “last two” o betting station noong February 2, 2010 sa Kabacan, Cotabato.

(Update) Suspek sa pananaksak at pagpatay sa lineman ng Cotelco; arestado


(Kabacan, North Cotabato/April 27, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 36-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin nito ang isang lineman ng Cotelco nitong Miyerkules ng hapon sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report, binawian ng buhay si Eduardo Gerodias, nasa tamang edad at residente ng brgy. Osias ng nasabing lugar bandang ala una ng madaling araw kahapon matapos masaksak.

USM, hindi magtataas ng matrikula sa kabila ng pahayag ng CHED na may 222 mga pribadong paaralang may tuition fee increase

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 26, 2012) ---Inanunsiyo ng pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM na hindi magtatas ng matrikula ang Pamantasang ito para sa nalalapit na pasukan ngayong taon.

Ito ang sinabi ni Executive Assistant to the President Bebot Moneva dahil wala naman umanong resolusyon board na inaprubahan ang board of Regents ng USM.

Una dito, abot kasi sa 222 mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nakatakdang magtaas ng kanilang matrikula ngayong school year.

Kalsada sa Makilala highway nirereklamo ng mga motorista, dahilan daw ng disgrasya sa daan

(Makilala, North Cotabato/April 26, 2012) ---Isinisisi ng ilang mga motorista ang butas-butas na kalsada sa highway ng Makilala dahilan kung bakit madalas nagaganap ang aksidente sa lugar.

Dahil sa butas ng kalsada sa highway ng Makilala, bumaliktad ang Lawin jeepney na minamaneho ni Rogelio Bernardo na may lulang 30 pasahero.

Ayon sa driver, iniwas niya sa mga butas ng kalsada ang minamanehong sasakyan nang ‘di namalayang nahulog na ito sa shouldering.

Isang lineman ng Cotelco patay sa pananaksak sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 26, 2012) ---Patay ang lineman ng Cotelco makaraang pagsasaksakin ng lalaking nakaaway nito sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Eduardo Gerodias, nasa tamang edad at residente ng brgy. Osias ng nabanggit na bayan.

(Update) Nakaligtaang kandila sa loob ng opisina ng Pin-pin Enterprises, pinagmulan ng malaking sunog ---BFP

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Kung si Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang tatanungin, ang napabayaang kandila na nasa loob ng opisina ng Pinpin Enterprises ang dahilan umano ng sunog bandang alas 7:00 ng gabi noong Lunes.

Ito ayon sa Caretaker ng nasabing establisiemento na si Andy Que, aniya may isang maliit umano na kwarto sa loob ng Pin-pin enterprises kungsaan siya nagbibilang ng pera pagkatapos ng business hour.

Youth leadership summit, isinasagawa sa probinsiya ng North Cotabato


(North Cotabato/April 25, 2012) ---Sa halip sa mga kampo ng mga rebelde ma-expose ang mga kabataan, mas maige nang sa mga kampo ng militar sila matuto ng iba’t ibang ‘core values’, tulad ng ‘commitment’, ‘loyalty’, at ‘honesty.’
         
Ito ang sinabi ni Raymond Domingo, staff ng National Youth Commission, sa pagsisimula ng apat na araw na Youth Leadership Summit na may temang, “Peace: a Shared Responsibility”.
         
Dumalo sa naturang summit ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa 23 mga barangay sa President Roxas -- isa sa mga bayan sa North Cotabato na umano impluwensiyado ng iba’t ibang mga armadong grupo.

3 magkakahiwalay na vehicular accident; naganap sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sugatan ang tatlo katao sa nangyaring vehicular accident sa National Highway partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Sangkot sa nasabing aksidente ang isang Toyota Innova na may plate number LEH 926 na minamaneho ni Jose Danny Bonite Comoda, seaman at residente ng Surallah, South Cotabato.

2 katao nahuli ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal gambling sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Nanguna sa isinagawang operasyon kontra illegal gambling si SP01 Jason Tahum ang team leader ng Special Branch Team ng Police Regional Office 12 kungsaan ginalugad nila ang mga lugar na talamak ang operasyon ng illegal number games na mas kilala sa tawag na “last two” dito sa bayan ng Kabacan, kahapon.

(Update) 3 na sugatan sa pagsabog ng granada sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/April 26, 2012) ---Umakyat na sa tatlo ang mga sugatan sa nangyaring pagsabog ng Granada sa National highway ng brgy Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 8:10 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Midsayap PNP inihagis umano ang granda sa harap ng bahay ng isang nakilalang Gerry Gornez, Limang kilometro ang layo mula sa himpilan ng pulisya.

Bahay nasunog sa bayan ng Makilala, North Cotabato; kagabi

(Makilala, North Cotabato/April 25, 2012) ---Isang bahay ang natupok ng apoy sa Barangay Saguing, Makilala, North Cotabato dakong alas 7:30 kagabi.

Ang nasabing tirahan ay pag-mamay-ari ng isang Maria Teresa Cerwelos.

Ayon kay rescue volunteer Kidapawan City Emergency Response Unit (KidCERU) Jefferson Villareal Revilla, nagsimula umano ang apoy sa kwarto ni Cerwelos.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Makilala PNP lumalabas na ang naiwanang kandila sa altar ang dahilan ng sunog.

Isang Brgy sa bayan ng Kabacan, inulan ng yelo kagabi

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sa ikalawang pagkakataon, nakaranas ng pag-ulan ng yelo o ice ang brgy Aringay ng bayan ng Kabacan dakong alas 6:30 kagabi kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kagabi.

Sa panayam ng DXVL – News kay Lawrence Dollente, faculty ng College of Arts and Sciences ng USM at isa sa mga residente na nakasaksi ng pag-ulan ng yelo ay tila mga maliliit umano na mga bato ang tumama sa kanilang atip.

Ilang mga negosyante ng Kabacan, umalma na sa napakahabang power interruption

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Umaalma na ang ilang mga residente ng North Cotabato lalong lalo na dito sa bayan ng Kabacan dahil sa mas mahabang brown-out na nararanasan sa mga service erya ng cotelco.

Sa panayam ng DXVL sa ilang mga negosyante at residente sa bayan ng Kabacan, ayon kay ginang Marilou Salazar may.ari ng isang Fruitshake store sa bayan, nalulugi daw sila dahil sa nasabing brown-out napilitan din daw umano silang bumili ng sarili nilang generator na dagdag gasto pa.

Mga Drug suspect sa North Cotabato; kinasuhan na

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Isinampa na kamakalawa ang mga kasong drug trafficking kontra sa 35-taong gulang na tricycle driver na si Albert Guiaman Damdamin na nakuhanan ng shabu at marked money sa buy-bust raid sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, OIC Chief ng Kabacan PNP, na-recover mula sa suspect ang tatlong sachet ng suspected shabu at P500 na marked money.

1 sugatan sa pagsabog ng granada sa Midsayap, kagabi

(Midsayap, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sugatan ang isang 64-anyos na Ginang makaraang masabugan ng inihagis na granada ng mga di pa nakilalang mga salarin sa National highway ng brgy Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 8:10 kagabi.

Ayon kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Midsayap PNP inihagis umano ang granda sa harap ng bahay ng isang nakilalang Gerry Gornez, Limang kilometro ang layo mula sa himpilan ng pulisya.

Kilos Protesta hinggil sa lumalalang “power crisis”, ikakasa sa Biyernes ng mga lokal na opisyal, power consumers at mga residente ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Dismayado na ang ilang mga power consumers sa probinsiya ng North Cotabato, karamihan sa mga ito ay small at medium traders, hinggil sa pinakahuling pahayag ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na tatagal pa ng isang buwan ang walong oras o higit pa na rotational blackout kada araw.

Ayon kay Cotelco spokesman Vincent Baguio, tumanggi umanong magbigay ng 8 megawatts na supply ng kuryente ang Therma Marine Incorporated o TMI na may power barge na makikita sa Compostella Valley para sa buwan ng Abril, ito dahil sa Mayo pa magsisimula ang nasabing kontrata.

Voluntary blood donation activity isinagawa sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/April 24, 2012) ---Naging mainit ang partispasyon ng iba’t- ibang sektor sa isinagawang voluntary blood donation activity sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Umabot sa 46 bags of donated bloods ang nalikum ng mga kinatawan ng Cotabato Regional Medical Center o CRMC Blood Bank at Red Cross mula sa buong araw na aktibidad.

Idinaos ang blood donation activity sa pangunguna ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Susing Sacdalan sa pakikipagtulungan sa CRMC bilang pagtugon na rin sa kahilingan ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion Pikit.

Dalagita nagpakamatay sa Kabacan sa pamamagitan ng pag-inom ng lason

(Kabacan, North Cotabato/April 24, 2012) ---Nagpakamatay ang isang katorse anyos na dalagita sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kamakalawa sa brgy. Malanduage, Kabacan, Cotabato.

Batay sa impormasyong nakuha ng DXVL News mula sa isang pinagkakatiwalaang source, sinasabing problema umano sa lovelife ang sanhi kung bakit nagpakamatay ang nasabing dalagita na di naman pinangalanan sa report.

2 katao arestado dahil sa magkahilaway na kaso ng rape at pagnanakaw sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/April 24, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato ang dalawang mga personahe na nahaharap sa kasong pagnanakaw at rape sa bayan ng Makilala alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Inaresto ng CIDT operatives, sa tulong ng mga sibilyan sa lugar si Julius Lumanit, 35, driver ng service vehicle ng Dole-Stanfilco sa Poblacion, Makilala.

DOST 12; inilabas na ang mga kwalipikado sa S&T Scholarship sa North Cotabato para sa SY 2012-2012

(Kidapawan City/April 24, 2012) ---Pormal ng inanunsiyo ngayon ni Department of Science and Technology o DOST 12 Regional Director Dr. Zenaida Hadji Raof Laidan ang mga kwalipikado para sa Scholarship ng DOST sa North Cotabato para sa SY- 2012-2013.

Kabilang sa mga nakapasa at kwalipikado para kukuha ng Science and Technology courses ay sina:

Ian Dave Ambrocio – Libungan
Joveyleen Amigo- Midsayap
Ranielo Kaye Bano- Kabacan
Nino Jay Cabacang- Aleosan
Jestler De Eyoy- Mlang

Isang establisiemento nasunog sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Natupok ng apoy ang Pin-pin Enterprises na nasa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 7:40 ngayong gabi lamang.

Hindi pa mabatid ang pinag-mulan ng apoy hanggang sa mga oras na ito.

Sumaklolo na rin ang iba pang mga pamatay apoy mula sa karatig na bayan kungsaan unang rumisponde sa pinangyarihan ng sunog ang firetruck ng Kabacan BFP at USM.

Kab Fire Senior Ins Ibrahim Guiamalon
Alas 9:45 ngayong gabi ng tuluyang maapula ang apoy. 


Samantala, halos dalawang oras ding nakipag-laban ang mga kagawad ng bumbero sa malaking sunog na naganap sa nasabing establisiemento partikular sa Rizal St., ng pobalcion Kabacan, North Cotabato.

Ayon sa report nagsimula umano ang apoy sa Pin-pin enterprises na pag-mamay ari ng isang negosyanteng intsik.

Sa panayam ng DXVL News sa may ari, posibleng abot umano sa P10M ang halaga ng mga paninda na naabu sa nasabing sunog.

Pulisya at NPA nagka-engkwentro sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/April 23, 2012) ---Nakasagupa ng mga elemento ng Special Action Force ng Pulisya ang may limang mga armadong grupo ng Guerilla Front 72 ng New People’s Army sa may New Baguio, Makilala, North Cotabato dakong alas 8:00 kaninang umaga.

Ayon sa report ni 6th Division Public Affairs Chief Col. Prudencio Asto, nagsasagawa umano ng combat clearing operation ang pulisya sa lugar sa pamumuno ni Police Inspector Niel Gaspar ng mag-ka engkwentro ang grupo.

Guwardiya ng Cotelco, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Patay ang security guard ng Cotelco makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspetsado sa Mapanao St., Poblacion, Kabacan alas 7:50 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Max Ganion, Cotalco Blue guard na nakabase sa Cotelco-Kabacan at residente ng Aringay ng nabanggit na bayan.

Isang 35-anyos na Drug Pusher; tiklo ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang drug pusher makaraang naaktuhang nagbebenta ng illegal na droga sa Tomas Claudio St., Pobalcion, Kabacan nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Albert Guiaman Damdamin, 35-anyos, may asawa at residente ng brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

2 tindahan sa Kabacan, ninakawan

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Abot sa P20,000 ang natangay ng mga magnanakaw sa isang “Monje Store” na nasa Aglipay St., Kabacan, Cotabato makaraang niransak ng mga di pa nakilalang mga salarin alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Ayon sa may ari na si Ronie Monje, 41-anyos at residente ng Mapanao St., ng nabanggit na bayan, pwersahan umanong sinira ng mga magnanakaw ang padlock ng maindoor upang gawing entrance point.

Puganteng nagtago sa North Cotabato ng mahigit sa 5 taon; i-tuturn-over na ng CIDG sa korte anumang araw simula ngayon

(Kidapawan City/April 23, 2012) ---Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang pugante na kinilalang si Rex Ansabo na mahigit limang taon ding nagtago sa batas.
         
Sumuko siya sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT-North Cotabato). Ayon kay Ansabo, pagod na siya sa pagtatago sa batas.
         
Si Ansabo na may kasong murder ay kasama sa 44 na mga preso ng Amas Provincial Jail sa Amas Complex sa Kidapawan City na tumakas nang atakehin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang presuhan noong February 2007.  

NIA Administrator pinasalamatan ang mga magsasaka, hinikayat na ipagpatuloy ang suporta sa ahensya

(Midasayap, North Cotabato/April 23, 2012)  ---Kasabay ng ika-34 anibersaryo ng National Irrigation Administration o NIA Region 12, pinasalamatan ni NIA Administrator Antonio Nangel ang mga magsasaka dahil sa aktibong pagsuporta sa mga programa at gawain ng ahensya.

Sa report ni DXVL PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, Binigyang diin  ni Administrator Nangel na ang mga magsasaka ang siyang tunay na “boss” ng mga lingkod bayan tulad niya.