Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Suspek sa pananaksak at pagpatay sa lineman ng Cotelco; arestado


(Kabacan, North Cotabato/April 27, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 36-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin nito ang isang lineman ng Cotelco nitong Miyerkules ng hapon sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report, binawian ng buhay si Eduardo Gerodias, nasa tamang edad at residente ng brgy. Osias ng nasabing lugar bandang ala una ng madaling araw kahapon matapos masaksak.

Ang suspek kinilalang si Steve Guillermo, may asawa at residente ng brgy. Katidtuan.

Ayon sa report, kinukumpuni ng biktima ang sira’ng linya ng kuryente sa isang pamamahay sa may Barangay Katidtuan nang lapitan at saksakin ng may-ari mismo.
       
Nagtalo raw muna ang dalawa bago kinuha ng suspect ang kutsilyo at sinaksak ng maraming beses sa dibdib ang lineman.
      
Isinugod sa pinakamalapit na ospital dito sa bayan ng Kabacan ang biktima at bandang alas-dose ng hatinggabi, kahapon, inilipat ito sa Kidapawan Medical Specialist Center sa Kidapawan City.   
       
Pero dahil sa matinding sugat, binawian ng buhay ang biktima, bandang ala-130 ng umaga kahapon.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang suspetsado habang inihahanda na ang kaong kanyang kakaharapin.

Si Gerodias ang ikalawang trabahante ng Cotelco na biktima ng karahasan sa bayan ng Kabacan, nito’ng linggo’ng ito lang.

Ang una ay isang gwardiya ng Cotelco sub-station sa Barangay Aringay na si Max Ganion na binaril sa ulo habang pauwi ng bahay sa naturang lugar. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento