(Kidapawan
City/April 23, 2012) ---Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang pugante na
kinilalang si Rex Ansabo na mahigit limang taon ding nagtago sa batas.
Sumuko
siya sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT-North
Cotabato). Ayon kay Ansabo, pagod na siya sa pagtatago sa batas.
Si
Ansabo na may kasong murder ay kasama sa 44 na mga preso ng
Amas Provincial Jail sa Amas Complex sa Kidapawan City na tumakas nang
atakehin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang
presuhan noong February 2007.
Inamin ni Ansabo na una siya’ng nagtago sa loob
ng tatlong taon, kasama ang ilang miyembro ng MILF, sa may Camp Rajamuda sa
bayan ng Pikit, North Cotabato.
Pero tumakas ito at nagtago sa kanyang bayan sa
Arakan, North Cotabato at nagpalipat-lipat sa mga bayan ng Antipas, Magpet, at
President Roxas – mga bulubunduking bahagi ng lalawigan.
Sinabi ni Chief Insp. Elmer Guevarra, provincial
director ng CIDT-North Cotabato, matagal nang ‘subject’ ng kanilang ‘operasyon’
si Ansabo at ng malaman nila na nagtatago ito sa isang liblib na barangay sa
Arakan, North Cotabato pinagplanuhan nila siyang pasukin.
Ginamit umano ng CIDT-North Cotabato ang isa
nila’ng informant para kumbinsihin si Ansabo na sumuko. At nito nga’ng
linggo’ng ito ay nagpasya na ang pugante na tumigil na sa pagtatago.
Kasama din na isinuko ni Ansabo ang dalawa
niya’ng armas – isang carbine at isang shotgun. Ang shotgun, ayon kay Guevarra,
ay armas na bigay pa ng MILF kay Ansabo. Si Ansabo ay kinuha ng CIDT sa isang lugar sa President Roxas, North
Cotabato. Nakarating sila sa headquarters nila, kasama si Ansabo, bandang
alas-5 ng umaga nitong Sabado.
Sinabi ni Guevarra na sa susunod na linggo ay
itu-turnover nila sa korte si Ansabo para maibalik na ito sa provincial
jail. Ayon kay Ansabo, hindi
niya pinagsisisihan ang kanyang pagsuko.
Aniya, ito ang tanging paraan para malinis niya
ang kanyang pangalan, alang-alang sa kanyang pamilya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento