Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang establisiemento nasunog sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/April 23, 2012) ---Natupok ng apoy ang Pin-pin Enterprises na nasa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 7:40 ngayong gabi lamang.

Hindi pa mabatid ang pinag-mulan ng apoy hanggang sa mga oras na ito.

Sumaklolo na rin ang iba pang mga pamatay apoy mula sa karatig na bayan kungsaan unang rumisponde sa pinangyarihan ng sunog ang firetruck ng Kabacan BFP at USM.

Kab Fire Senior Ins Ibrahim Guiamalon
Alas 9:45 ngayong gabi ng tuluyang maapula ang apoy. 


Samantala, halos dalawang oras ding nakipag-laban ang mga kagawad ng bumbero sa malaking sunog na naganap sa nasabing establisiemento partikular sa Rizal St., ng pobalcion Kabacan, North Cotabato.

Ayon sa report nagsimula umano ang apoy sa Pin-pin enterprises na pag-mamay ari ng isang negosyanteng intsik.

Sa panayam ng DXVL News sa may ari, posibleng abot umano sa P10M ang halaga ng mga paninda na naabu sa nasabing sunog.


Aniya, wala umano siya ng mangyari ang nasabing sunog.
Ayon naman sa isang residente na nagtatrabaho sa Flauta's Carenderia, malapit lamang sa Pin-pin Enterprises, may sumigaw umanong tricycle driver sa kanila na nagsasabing may sunog.

At paglabas nila, lumalaki na ang apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin sa mga plastic na paninda at mga paputok kungsaan nadamay pati ang ilang mga barung-barung sa likod na bahagi ng nasabing establiseimento.

Nahirapan ding dumaan ang ilang mga Firetruck sa erya dahil sa napakaraming mga tao na naki-usyuso sa lugar.

sa kabila nito, mabilis namang naisalba ng isang ginang ang kanilang gamit buhat sa nasabing Carenderia.

Maswerte namang, di nadamay ang Partner Rural Bank, isang sangay ng bangko na malapit mismo sa pinagyarihan ng sunog.
Sumaklolo na rin ang iba pang mga pamatay apoy mula sa karatig na bayan kungsaan unang rumisponde sa pinangyarihan ng sunog ang firetruck ng Kabacan BFP at USM.

Sa panayam ng DXVL News live mula mismo sa pinangyarihan ng insedente kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, dakong alas 7:40 posibleng nagsimula ang sunog kungsaan kasagsagan pa ng ipinapatupad na rotational brown-out sa bayan.

Nagtulong-tulong na rin ang ilan pang mga residente, kasama na ang Quick response Team ng Kabacan sa pag-apula ng apoy.

Alas 9:45 ng tuluyang naapula ang apoy.

Wala namang may napaulat na nasawi o nasaktan sa nasabing sunog.

Abot naman sa milyun-milyong halaga ng mga paninda at gamit ang natupok ng apoy sa nasabing sunog.

Bagama't di pa nakumpirma ng BFP, kabilang sa mga nasunog na nasa hanay ng Pin-pin enterprises ay ang B'Brothers, Video K Bar at isang electric shop.

Nadamay rin pati ang ilang mga barung-barong na bahay sa likod ng nasabing establisiemento.

Hindi pa mabatid ang eksaktong danyos sa nasabing sunog.

Hanggang sa mga oras na ito ay nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire sa nasabing insedente.(Rhoderick Beñez\Allan Dalo\Brex Bryan Nicolas\Anthony Henilo)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento