Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sugatan sa pagsabog ng granada sa Midsayap, kagabi

(Midsayap, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sugatan ang isang 64-anyos na Ginang makaraang masabugan ng inihagis na granada ng mga di pa nakilalang mga salarin sa National highway ng brgy Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 8:10 kagabi.


Ayon kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Midsayap PNP inihagis umano ang granda sa harap ng bahay ng isang nakilalang Gerry Gornez, Limang kilometro ang layo mula sa himpilan ng pulisya.


Kinilala ng mga pulisya ang sugatan na si Ninita Benitez, 64 na taong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Nagtamo ang biktima ng minor injury sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Naganap ang insedente habang kasagsagan ng brown-out sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang safety lever ng nasabing granada.

Agad namang inatasan ni P/SSupt Cornelio Salinas, Provincial Director ng Cotabato PNP ang Midsayap PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para alamin ang totoong motibo sa nasabing pagpapasabog. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento