Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Youth leadership summit, isinasagawa sa probinsiya ng North Cotabato


(North Cotabato/April 25, 2012) ---Sa halip sa mga kampo ng mga rebelde ma-expose ang mga kabataan, mas maige nang sa mga kampo ng militar sila matuto ng iba’t ibang ‘core values’, tulad ng ‘commitment’, ‘loyalty’, at ‘honesty.’
         
Ito ang sinabi ni Raymond Domingo, staff ng National Youth Commission, sa pagsisimula ng apat na araw na Youth Leadership Summit na may temang, “Peace: a Shared Responsibility”.
         
Dumalo sa naturang summit ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) mula sa 23 mga barangay sa President Roxas -- isa sa mga bayan sa North Cotabato na umano impluwensiyado ng iba’t ibang mga armadong grupo.


Ang Philippine Army, katuwang ang President Roxas LGU at ang National Youth Commission, ay nagsagawa ng kauna-unahang youth summit sa mismong training camp ng 602nd Brigade sa may Barangay Nasapian, Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Lt. Manuel Gatus, hepe ng civil military operations ng 57th IB ng Army, apat na araw ang pag-aaral na gagawin ng mga partisipante patungkol sa iba’t ibang core values na makakatulong sa pang-araw-araw nilang pakikisalamuha sa kanilang mga nasasakupan, sa pakikipag-kapwa-tao nila, at sa pakikitungo nila sa kani-kanilang mga magulang at kapatid.
         
Tiningnan ni Kaye Mahimpit, federation chair ng Sangguniang Kabataan, na isang pagkakataon sa kanila na mailayo sa droga ang kapwa niya Kabataan.

Sa murang kaisipan kasi ng Kabataan, madali raw sila’ng tahakin patungo sa ‘maling landas.’

Naniniwala si Domingo na ang mga Kabataan ang magiging lider ng susunod na henerasyon – isang hamon na tinanggap ng mga SK officials ng President Roxas.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento