(Makilala, North Cotabato/April 24, 2012)
---Arestado ng mga operatiba ng Criminal
Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato ang dalawang mga
personahe na nahaharap sa kasong pagnanakaw at rape sa bayan ng Makilala alas
4:00 ng madaling araw kanina.
Inaresto
ng CIDT operatives, sa tulong ng mga sibilyan sa lugar si Julius Lumanit, 35,
driver ng service vehicle ng Dole-Stanfilco sa Poblacion, Makilala.
Ayon
kay CIDT-North Cotabato provincial director, Chief Insp. Elmer Guevarra, agad
na nagsagawa sila ng surveillance at
close monitoring sa nasabing suspek matapos matanggap nila ang warrant of
arrest na inisyu ng Makilala court laban kay Lumanit.
Sinabi
ni Guevarra na ang kanyang mga tauhan ay nasa erya na ilang minute pagdating ng
suspek buhay sa kanyang araw-araw na Gawain sa nasabing kompanya.
Di
naman nakapalag ang suspek ng arestuhin ng mga operatiba ng CIDT.
Sa
kabila nito, tinukoy naman ni Lumanit ang isang Edris Cris Itol na siyang
pangunahing suspek sa panggagahasa noong taong 2009.
Ilang
oras matapos maaresto si Lumanit, nahuli din nila ang isang akusado sa
pagnanakaw at grave coercion sa Sandawa Homes, Barangay Singao, lungsod ng
Kidapawan.
Sa
ngayon kapwa naka destino ang dalawa sa headquarters ng CIDT. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento