Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 magkakahiwalay na vehicular accident; naganap sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sugatan ang tatlo katao sa nangyaring vehicular accident sa National Highway partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato, kamakalawa ng hapon.


Sangkot sa nasabing aksidente ang isang Toyota Innova na may plate number LEH 926 na minamaneho ni Jose Danny Bonite Comoda, seaman at residente ng Surallah, South Cotabato.

Ang nasabing sasakyan ay aksidenteng na side awiped sa isang motorcycle na Sunriser 125 plate # 9502 FR na minamaneho ni Bosayong Agusto, residente ng Ranzo, Carmen, Cotabato.

Kasama din nito ang kanyang mga backrider na sina Joevel Cornillo at Encarnacion Basayang na kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Dahil sa lakas ng impact, sugatan ang driver ng motorsiklo kasama ang 2 mga backrider nito na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist.

Samantala, kapwa nagtamo din ng kaparehong kasiraan ang dalawang motorsiklo sa nangyaring aksidente sa daan partikular sa Brgy. Kayaga at Crossing Magatos alas 5:30 ng hapon kamakalawa.

Sugatan sa nasabing aksidente si Solaiman Demdutang na residente ng Dongoan, Montawal, Maguindanao na sakay sa kulay pulang Kawasaki na may plate number JX 3798.

Ito makaraang aksidenteng mabangga ng isang Kawasaki Rouser na minamaneho ni Kunin Kusain Pendaton na residente ng Pagagawan, Maguindanao.

Kapwa nagtamo ng kaparehong kasiraan ang dalawang sasakyan, na agad namang inareglo sa himpilan ng pulisya.

Alas 7:50 kahapon ng umaga, isa ring vehicular accident ang naganap sa Highway ng Kabacan, partikular sa Brgy. Kayaga sa harap mismo ng Kabacan Terminal Complex.

Ito ay kinasasangkutan ng isang Jailing Motorcycle na kulay asul na may plate number 6304 NO na minamaneho ni Christopher Sasi na aksidenteng nakabangga sa isang Kawasaki 125 na minamaneho ni Datu Ali Abdul Esmael.

Nagresulta naman sa pagkakasira ng dalawang sasakyan at physical injury sa mga drivers.

Kaya naman paalala ngayon ng Kabacan Trffic Police division sa mga motorist ng mag-ingat sa pagmamaneho ng inyong mga sasakyan upang maiwasan ang kasidente sa daan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento