(USM,
Kabacan, North Cotabato/April 26, 2012) ---Inanunsiyo ng pamunuan ng University
of Southern Mindanao o USM na hindi magtatas ng matrikula ang Pamantasang ito para
sa nalalapit na pasukan ngayong taon.
Ito ang
sinabi ni Executive Assistant to the President Bebot Moneva dahil wala naman
umanong resolusyon board na inaprubahan ang board of Regents ng USM.
Una dito,
abot kasi sa 222 mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nakatakdang
magtaas ng kanilang matrikula ngayong school year.
Sa kabila
nito, sinisikap naman ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa pamumuno ni USM
Pres Dr. Jess Derije na pagtutuunan nila ng pansin na mapalakas at mapatatag
ang four fold function ng USM ang instruction, Research, Extension at Resource
Generation upang lalo pang mabigyan ng mas de kalidad na edukasyon ang bawat
kliyente nito.
Samantala,
sinabi naman ni Director for Instruction Dr. Lorna Valdez na ipapatupad naman
nila ang full payment sa tuition fee sa lahat ng mga eenroll ngayong pasukan.
(RB ng Bayan)
DXVL Staff
...
USM, hindi magtataas ng matrikula sa kabila ng pahayag ng CHED na may 222 mga pribadong paaralang may tuition fee increase
Huwebes, Abril 26, 2012
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento