Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Brgy sa bayan ng Kabacan, inulan ng yelo kagabi

(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Sa ikalawang pagkakataon, nakaranas ng pag-ulan ng yelo o ice ang brgy Aringay ng bayan ng Kabacan dakong alas 6:30 kagabi kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kagabi.


Sa panayam ng DXVL – News kay Lawrence Dollente, faculty ng College of Arts and Sciences ng USM at isa sa mga residente na nakasaksi ng pag-ulan ng yelo ay tila mga maliliit umano na mga bato ang tumama sa kanilang atip.


Noong una nagtaka sila kung bakit ang iingay ng bubong na animoy binabato ang kanilang bahay.

Nang tiningnan nito ang kanilang bakuran, doon na at nakita nitong naglalaro ang kanyang pamangkin na naliligo sa ulan ng mga bumabagsak na yelo kasabay din ng pagbagsak ng ulan.

Sinabi pa ni sir Dollente na ito na ikalawang beses niya na itong nasaksihan, ang una ay noong maliit pa siya. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento