(Kabacan, North Cotabato/April 25, 2012) ---Kung
si Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang tatanungin, ang
napabayaang kandila na nasa loob ng opisina ng Pinpin Enterprises ang dahilan
umano ng sunog bandang alas 7:00 ng gabi noong Lunes.
Ito ayon sa Caretaker ng nasabing
establisiemento na si Andy Que, aniya may isang maliit umano na kwarto sa loob
ng Pin-pin enterprises kungsaan siya nagbibilang ng pera pagkatapos ng business
hour.
Pero dahil sa brown-out, gumagamit siya ng
kandila bilang kanyang ilaw.
At nitong Lunes ng gabi, lumabas umano si
Que upang bumili ng pagkain at nakaligtaan nitong patayin ang kandila dahilan
kung bakit nasunog ang nasabing establisiemento.
(insert
tape Sir Guiamalon 1)
Sa imbestigasyon isinagawa ng Bureau of Fire
Kabacan, wala umano silang nakitang bakas ng kandila sa nasabing pinagmulan ng
apoy, ito dahil sa natabunan na ang erya ng mga debris, na taliwas sa sinumpaang
statement ng caretaker.
Kaugnay nito tatlong anggulo ngayon ang
tinitingnan dahilan ni Guiamalon, ang una, kapabayaan sa sinindihang kandila;
pangalawa, intensiyon na sunugin at pangatlo ang purely accident lamang.
Kung magkakano ang kabuuang danyos na
natupok ng apoy, di pa mabatid ng Kabacan BFP dahil wala pang opisyal na duly
notarized declaration ang pamaunuan ng nasabing establisiemento.
Kaya naman, may apila ang opisyal sa publiko
upang maiwasan ang nasabing insedente kagaya ng sunog.
(insert
tape Sir Guiamalon 2)
si Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ng Kabacan Bureau of fire at Carmen(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento