Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Extortion group at mga sundalo, nagka-engkwentro; 2 patay, 3 sugatan

(North Cotabato/ September 11, 2015) ---Napatay ang dalawang miyembro ng extortion group habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar kahapon sa bisinidad ng SK Pindatun Avenue sa Cotabato City, Maguindanao. 

Kinilala ni Cotabato City PNP director P/Senior Supt. Rex Anongos, ang mga napatay na sina Amina Adam at Roland Kabatuan.

Serial Killer at 2 pang kasama nito na notoryos criminal, arestado sa Kabacan, NCot!

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao, isa dito ay pinaniniwalaang hired killer habang ang dalawa ay mga notoryos na kriminal sa inilatag na check point sa Brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:45 kagabi.

Nanguna sa pagresponde si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kasama ang hepe ng Kabacan PNP na si PSI Ronnie Cordero kungsaan nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Badjuri Dimanalaw Pigkawalan, 25-anyos residente ng Purok Krislam; Mahajar Dadilan alon, 32-anyos ng Brgy. Kayaga at Totin Abas Kalantongan ng brgy. Kayaga lahat sa bayan ng Kabacan.

Riding Tandem biktima ng agaw motorsiklo ng isa pang riding tandem sa Kabacan; 1 patay, 1 kritikal

(North Cotabato/ September 11, 2015) ---Patay ang isang 32 anyos na lalaki habang sugatan naman ang kasama nito matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa Mantawil St. Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato dakung alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang namatay na si Lloyd Pascual,  may asawa, walang trabaho, residente ng Lambayong Sultan Kudarat, ang kasama nito na kinilalang si Marshall Vallez, 38 anyos, isang magsasaka at residente ng USM Avenue dito sa bayan.

Katatagan ng University of Southern of Mindanao, ipinagmalaki ng Pangulo sa kanyang SUA

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 10, 2015) ---Ipinagmalaki ni University of Southern Mindanao President Dr. Francisco Gil Garcia ang katatagan ng Unibersidad sa katatapos na State of the University Address o SUA ng Pangulo sa USM Ground nitong Lunes.

Aniya patuloy na lumalago at tumatatag ang Pamantasan, ito dahil sa tulong ng bawat kawani, estudyante at mga stakeholders nito.

3 timbog sa illegal na droga sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ September 10, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa isang bakanteng billard hall sa brgy. Poblacion, sa bayan ng Mlang North Cotabato.

Kinilala ni Sr. Ins. Jenamiel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang mga suspek na sina Joseph Limjuco, 46 anyos, ang may ari ng billard hall, Junmar Segal, 38 anyos, at Joey Jaurigue 40 anyos parehong mga taga Mlang, North Cotabato.

Color Coding sa mga tricycle sa Kidapawan City, hindi pa maipatupad ngayong taon

(Kidapawan City/ September 10, 2015) ---Hindi pa maipatupad ngayong taon ang color coding ng mga pampasaheron tricycle sa Kidapawan City.

Sinabi ni Federation of Kidapawan Tricycle Association  o FKITA President Jeniric Tañala na maliban sa mahal na gastos sa repainting wala rin silang nakikitang malaking impact na mabibigay ng Unified Color Coding partikular sa usapin ng public safety.

USM Student, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa loob mismo ng USM Campus

(Kabacan, North Cotabato/ September 10, 2015) ---Tinangay ng tatlong mga di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo ng estudyante ng USM sa Crossing IMEAS, USM compound, Kabacan Cotabato ala una ng hapon kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, minamaneho umano ng isang
John Carlowe Andres, 19 anyos, estudyante ng USM, at residente ng USM Housing ng nasabing lugar ang isang Honda Wave na motorsiklo, kulay puti, may plakang MZ 4635.

At pagsapit sa nasabing lugar ay tinutukan ang biktima ng kalibre .45 na pistol ng isa sa mga tatlong lalaking sakay sa isang di pa matukoy na uri ng motorsiklo.

Brgy. Kagawad, panibagong biktima ng pamamaril sa bayan ng Pres. Roxas, NCot

(North Cotabato/ September 8, 2015) ---Patay ang isang brgy kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Sitio Kamangahan, Brgy. Ilustre, Upper Roxas, Pres. Roxas, North Cotabato ala 1:20 kaninang madaling araw.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office kinilala nito ang biktima na si Kagawad Wendel Gasita residente ng nasabing lugar.

COTELCO-PPALMA, pinaghahandaan na ang darating na El Niño

(Kabacan, North Cotabato/ September 6, 2015) ---Pinaghahandaan na ngayon ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. –PPALMA area ang inaasahang el Nino na mararanasan ng bansa.

Ito ang sinabi ni Cotelco-PPALMA Board of Director Isidro Ondoy sa panayam ng DXVL News sa kanya.

Aniya, may mga naka-kontrata na silang Independent Power Producers sa Mindanao na magbibigay sa kanila ng supply ng kuryente sakali mang bababa ang supply ng kuryente ng Hydro Electric Power Plant, na pangunahing nagbibigay ng mababang presyo ng kuryente sa Mindanao.

Sinabi ni Ondoy na ang Cotelco-PPALMA ay naka-kontra ng 4Mega Watts sa HEP habang nakakuha naman sila ng 5MW sa Geothermal maliban pa sa 4MW mula sa Therma South Inc. o TSI.