(Kidapawan
City/ September 10, 2015) ---Hindi pa maipatupad ngayong taon ang color coding
ng mga pampasaheron tricycle sa Kidapawan City.
Sinabi
ni Federation of Kidapawan Tricycle Association
o FKITA President Jeniric Tañala na maliban sa mahal na gastos sa
repainting wala rin silang nakikitang malaking impact na mabibigay ng Unified
Color Coding partikular sa usapin ng public safety.
Dahil dito,
napagkasunduan ng kanilang asosasyon na by zoning ang gagawing color coding at
hindi unified system ang ipapatupad kung saan isang kulay lamang ang gagamitin
ng lahat ng mga tricycle na babyahe sa Kidapawan city.
Kung
sakaling, maaprubahan ito, ipapatupad na ang color coding sa susunod na taon.
Sa
ngayon, patuloy na tinatapos ng FKITA at ng Committee on Transporation sa
Sanguiang Panlungsod ang mga probisyon na isasali sa ordinansa para bago
matapos ang taon maihain na ito at maaprubahan sa konseho.
Ang
bayan ng Kabacan, ang unang nagpatupad ng color coding sa North Cotabato at
sinundan ito ng iba pang mga bayan gaya ng Pikit, Carmen, Matalam at Makilala.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento