Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 timbog sa illegal na droga sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ September 10, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng tatlo katao matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa isang bakanteng billard hall sa brgy. Poblacion, sa bayan ng Mlang North Cotabato.

Kinilala ni Sr. Ins. Jenamiel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang mga suspek na sina Joseph Limjuco, 46 anyos, ang may ari ng billard hall, Junmar Segal, 38 anyos, at Joey Jaurigue 40 anyos parehong mga taga Mlang, North Cotabato.


Huli ang mga suspek matapos mahuli sa aktong paghihithit ng shabu sa nasabing lugar na matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad.

Narekober sa nasabing billard hall ang mga ilegal drug paraphernalia habang nakuha naman mula kay Limjuco ang isang sachet ng shabu.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Mlang PNP Lock up cell at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez







0 comments:

Mag-post ng isang Komento